Back

ⓘ Labanan sa Yarmuk. Ang Labanan sa Yarmuk ay naganap noong 15–20 Agusto 636, sa kasagsagan ng pananakop ng mga Muslim sa Siriya. Nangyari ang labanan sa pagitan ..



Labanan sa Yarmuk
                                     

ⓘ Labanan sa Yarmuk

Ang Labanan sa Yarmuk ay naganap noong 15–20 Agusto 636, sa kasagsagan ng pananakop ng mga Muslim sa Siriya. Nangyari ang labanan sa pagitan ng mga sundalong Rashidun, sa pamumuno ni Khalid ibn al-Walid, isa sa mga kaalalay ni Muhammad, at mga nagdadamihang mga sundalong Bisantino Romano, sa pamumuno ni Vahan, isang Armeniyong heneral na naglilingkod para sa Bisantinong imperador na si Heracleo. Naging isa ang labanan sa mga pinakapangwakas at pinakadakila sa kasaysayan.

Upang tigilan ang paglulusob ng mga Islamikong Arabe sa mga lupain ng Palestina at Siriya, bumuo si Heracleo ng isang napakalaking ekspedisyon na binubuo ng 400.000 kawal mula sa bawat sulok ng imperyo at mula rin sa rehiyon ng Armeniya upang mabawi ang mga nawalang lupain ng imperyo sa Palestina at Siriya. Nagmungkahi naman ang Persa Persian ng imperador na si Yazdegerd III ng alyansa sa Bisantinong imperador, at ipinakasal naman ni Heracleo ang kanyang anak na babae na si Manyanh sa Persa Persian ng imperador para masiguro ang pagsasama ng dalawang imperyo. Ang plano ng dalawang imperyo na paglusob na sabay-sabay sa lupaing sakop ng mga Muslim ay pumalpak sanhi ng pagkahapo ng pamahalaan ng Imperyong Sasanidong Persa Persian sa mga labanan sa pagitan ng dalawang imperyo ilang taon ang nakakaraan, at pangwakas ring natalo si Yazdegerd III sa labanan sa al-Qadisiyah tatlong buwan pagkatapos ng labanan. Inatras naman ni Abu Ubaidah, sa utos ng heneral ng lahat ng mga sundalong Muslim na lumulusob sa Palestina at Siriya na si Khalid ibn al-Walid, ang lahat ng mga sundalong Muslim at ilipat sila sa pagitan ng Ilog ng Yarmuk at kapatagan ng Jabiya malapit sa disyerto ng Arabiya, kung saan nangyari ang labanan, upang mabuting gamitin ang nasabing kapatagan para sa mga pagsalakay ng mga kabayuhang Muslim laban sa napakalaking hukbong Bisantino na may 300.000 kawal na tumutugis sa kanila at para mapaatras ang kanilang hukbo nang mabuti patungo muli sa disyerto ng Arabiya para magsipangkatang muli sa panahong matalo sila sa labanan.

Nakasuot ang hukbong lakad ng mga Arabeng Rashidun ng mga kalubkob na gawa sa bakal o bronse at mga baluting gawa sa kadena at kuwero, at armado sila ng mga mahahaba o pabalantok na tabak na isinasampay sa telang sinturon na kung tawagin ay baldric at mga kalasag na gawa sa kuwero; armado naman ng mga tabak o sibat na may habang lima at kalahating metrong haba ang kanilang kabayuan. Nakasuot naman ang mga hukbong lakad ng mga Bisantino Romano ng makakapal na baluti na gawa sa kadena o kuwero at armado ng kalasag na hugis pahaba, bilog, parisukat at rektanggulo at ng mga mahahabang sibat o tabak; ang kanilang kabayuan, na kung tawagin ay mga Cataphract, ay ang pinakamahusay at pinakamalakas sa panahong iyon, armado ng mahahabang sibat at tabak at nakasuot ng napakamakapal na baluti at kalubkob na gawa sa bakal o bronse. Hindi naman gaano mabaluti ang malaking bahagi ng hukbo na kasapi sa ekspedisyon. Mainit ang panahon sa lugar ng labanan; sanay lumaban ang mga Arabe sa gitna ng tag-init, isang lamang na wala ang mga Bisantino Romano sa labanan bagaman may mga kasaping silang Arabe na Kristiyano na sanay sa tag-init pero walang kasanayan sa labanan.

Tumagal ang labanan sa anim na araw. Nanaig ang kagitingang Muslim sa labanan, at nagawang tinalo ng mga Muslim ang mga nagdadamihang mga Bisantino Romano. Ang pagkatalo ng mga Romano ang tumapos sa kanilang pamumuno sa Siriya, at pagkatapos naman ay dito nagsimula ang pagkalat ng relihiyong Islam pagkatapos sa pagkamatay ni Muhammad. Dito rin nagsimula ang paghina ng Imperyo Bisantino Romano sa mahabang panahon at ang walang-humpay na pananalakay ng mga Muslim sa Asia Minor at mismo sa kabisera ng Konstantinopla, kung saan bumagsak mahigit walong daang taon matapos ang labanan sa kamay ng mga Turkong Muslim.

Users also searched:

labanan sa yarmuk, kasaysayan ng syria. labanan sa yarmuk,

...

Encyclopedic dictionary

Translation
Free and no ads
no need to download or install

Pino - logical board game which is based on tactics and strategy. In general this is a remix of chess, checkers and corners. The game develops imagination, concentration, teaches how to solve tasks, plan their own actions and of course to think logically. It does not matter how much pieces you have, the main thing is how they are placement!

online intellectual game →