Back

ⓘ Digmaang Boshin. Ang Digmaang Boshin, na kilala rin bilang ang Himagsikang Hapones, ay isang digmaang sibil na naganap sa Hapon mula 1868 hanggang 1869 sa pagit ..



Digmaang Boshin
                                     

ⓘ Digmaang Boshin

Ang Digmaang Boshin, na kilala rin bilang ang Himagsikang Hapones, ay isang digmaang sibil na naganap sa Hapon mula 1868 hanggang 1869 sa pagitan ng mga hukbo ng namumunong Shogunatong Tokugawa at ng mga nagnanais maibalik ang kapangyarihan ng Korte Imperyal.

Naging sanhi ng digmaan ang di-pagkatuwa ng maraming mga maharlika at mga batang samurai sa pagtrato ng shogunato sa mga banyaga matapos ang pagbukas ng Hapon sa kalakalan at pakikipag-ugnayang global sa nakaraang dekada. Ang lumalakas na impluwensiyang kanluranin sa ekonomiya ng bansa ay nagdulot ng pagbagsak katulad ng naranasan ng ibang mga bansang Asyano noong panahong iyon. Nakuha ng isang alyansa ng mga samurai sa kanluran ng bansa, ilan dito ang mga dominyo ng Chōshū, Satsuma at Tosa, at mga opisyal ng korte, ang kontrol ng Korte Imperyal at inimpluwensiyahan ang batang Emperador Meiji. Nagbitiw ng kapangyarihang pulitikal si Tokugawa Yoshinobu, ang shogun ng panahong iyon, nang matanto niya ang kawalan ng kabuluhan ng kanyang sitwasyon. Umasa si Yoshinobu na maaaring mapangalagaan ang angkang Tokugawa sa pamamagitan nito at sumali sa susunod na pamahalaan.

Subalit, dahil sa mga aksyon ng mga puwersang imperyal, kaguluhan sa Edo, at isang kautusang imperyal na pinangunahan ng Satsuma at Chōshū na nag-aalis sa angkang Tokugawa, naglunsad ng isang kampanyang militar si Yoshinobu upang kunin ang korte ng emperador sa Kyoto. Naging pabor ang takbo ng digmaan sa mas maliit, ngunit mas modernisadong pangkat imperyal, at matapos ang isang serye ng labanan na nagwakas sa pagsuko ng Edo, personal na sumuko si Yoshinobu. Umatras papuntang hilagang Honshū ang mga nanatiling tapat sa mga Tokugawa, at sumunod sa Hokkaidō, kung saan nila itinatag ang Republikang Ezo. Bumagsak din ito sa kanilang pagkatalo sa Labanan sa Hakodate at nailagay ang kabuuan ng Hapon sa ilalim ng pamumunong imperyal na siyang nagtapos ng bahaging militar ng Pagpapanumbalik ng Meiji.

Higit kumulang na 120.000 katao ang sumabak sa labanan, at 3.500 sa mga ito ay namatay. Sa pagtatapos ng digmaan, isinantabi ng paksyong imperyal ang kanilang layuning paalisin ang mga banyaga mula sa Hapon at itinuloy ang modernisasyon ng bansa na may bagong layunin na muling mapagkasunduan ang mga Kasunduang Di-patas Unequal Treaties. Bunga ng pamimilit ni Saigō Takamori, isang mataas na pinuno ng paksyong imperyal, binigyang pardona ang mga loyalistang Tokugawa, at maraming mga dating pinuno ng kasugunan ang nabigyan ng mga matataas na posisyon sa ilalim ng bagong pamahalaan.

Saksi ang digmaang Boshin sa mataas na antas ng modernisasyon na natamo ng bansang Hapon nang makisabay ito sa mga industriyalisado na bansang banyaga sa antas ng kaunlaran, habang hindi sumasang-ayon sa ipinatupad ng mga banyaga na malayang kalakalan na siyang makasisira sa ekonomiya ng kabila; ang malawak na pakikialam ng mga bansang kanluranin, lalo na ang Britanya at Pransiya, sa pulitika nito; at ang magulong panunumbalik ng kapangyarihang imperyal. Sa kalaunan, binigyan ng romantisiskong presentasyon ang digmaang ito ng mga Hapon at ilan pa na kinikilala ang Panunumbalik ng Meiji bilang isang "mapayapang himagsikan", sa kabila ng bilang ng mga nasawi.

                                     
  • Richardson, ng isang grupo ng mga samurai mula sa Satsuma. Ang Boshin War 戊辰戦争, Boshin Sensō ay naganap sa pagitan ng Enero 1868 at Mayo 1869. Ang alyansa
  • Meiji, at nagpatuloy ang mga loyalista ng Tokugawa upang labanan sa Digmaang Boshin hanggang sa pagkatalo ng Republika ng Ezo sa Labanan ng Hakodate noong
  • Dito nagsimula ang Labanan sa Toba Fushimi, ang unang engkuwentro ng Digmaang Boshin Bagama t higit na nakararami ang puwersang Tokugawa, iniwan sila ni
  • pangalawang moog sa Kastilyo ng Ōdate. Nawasak ang kastilyo sa kasagsagan ng Digmaang Boshin Kasunod ng pagsisimula ng panahong Meiji, ang lugar ay naging bahagi
                                     
  • isang mahalagang kasapi ng maka - Tokugawa na Ōuetsu Reppan Dōmei noong Digmaang Boshin ng pagpapanumbalik ng Meiji. Pagkaraan ng pasimula ng panahong Meiji
  • Panunumbalik ng Meiji, na kung saan tinalo ng mga pwersa ng imperyo sa Digmaang Boshin ang mga pwersa ng Shogun ng mga Tokugawa. Sa Sinumpaang Kasunduan
  • dominyo noong 1628. Pumanig ang angkang Tsugaru sa Alyansang Satchō sa Digmaang Boshin ng Pagpapanumbalik ng Meiji, at ginawaran sila ng karagdagang 10, 000
  • Meiji Digmaang Boshin Himagsikang Satsuma Unang Digmaang Tsino - Hapones Pamamagitang Makatatlo Himagsikang Boxer Kaisahang Angglo - Hapones Digmaang Ruso - Hapones

Users also searched:

digmaang boshin, tuluyan. digmaang boshin,

...

Encyclopedic dictionary

Translation
Free and no ads
no need to download or install

Pino - logical board game which is based on tactics and strategy. In general this is a remix of chess, checkers and corners. The game develops imagination, concentration, teaches how to solve tasks, plan their own actions and of course to think logically. It does not matter how much pieces you have, the main thing is how they are placement!

online intellectual game →