Back

ⓘ Lipad 804 ng EgyptAir. Ang EgyptAir Lipad 804 ay isang internasyonal na pampasaherong lipad mula Paris Charles de Gaulle Airport papuntang Cairo International A ..



Lipad 804 ng EgyptAir
                                     

ⓘ Lipad 804 ng EgyptAir

Ang EgyptAir Lipad 804 ay isang internasyonal na pampasaherong lipad mula Paris Charles de Gaulle Airport papuntang Cairo International Airport, na pinatatakbo ng EgyptAir. Ito ay nawawala noong 19 Mayo 2016 sa 02:45 oras sa Egypt.

Limampung-anim 56 na pasahero at sampung 10 tripulante ang nakasakay sa lipad. Naniniwala ang mga awtoridad ng Egypt na ang eroplano ay maaring bumagsak sa Dagat Maditerranean. Isang multinasyonal na operasyong paghanap at pagsagip ang kasalukuyang ginaganap.

Sa isang press conference, sinabi ni Greek Defence Minister Panos Kammenos na, batay sa radar data, lumiko ng landas ang Lipad 804 ilang sandali pagkatapos makapasok sa Egyptian Flight Information Region PIR. Sa altitude na 37.000 feet, ang sasakyang panghimpapawid ay lumiko nang 90-degree pakaliwa, sinundan ng 360-degree na liko pakanan at nagsimulang bumaba. Nawala ang radar signal sa altitude na 10.000 feet.

                                     

1. Sasakyang panghimpapawid

Ang kasangkot na sasakyang panghimpapawid ay isang Airbus A320-232, registration SU-GCC, MSN 2088. Ang unang lipad nito ay noong 25 Hulyo 2003 at ito ay inihatid sa EgyptAir noong 3 Nobyembre 2003. Ginawa ang isang routine maintenance check noong Miyerkules sa Cairo, bago ito umalis papuntang Paris, sabi ng isang opisyal ng airline. Ito ang ikalimang lipad ng sasakyang panghimpapawid sa araw na iyon, lumupad ito mula Asmara International Airport, Eritrea papuntang Cairo; Cairo papuntang Tunis–Carthage International Airport, Tunisia at pabalik; at Cairo papuntang Paris.

                                     

2. Mga pasahero at crew

Mga pasahero

Limampung-anim na pasahero ay sakay mula sa labindalawang bansa.

Crew

Kabilang sa 10 crew mayroong tatlong tauhang panseguridad ng EgyptAir, limang flight attendants, at dalawang piloto. Ayon sa EgyptAir, ang kapitan, si Mohammed Saeed Ali Shokeir, may 6.275 oras ng flying experience, kabilang ang 2.101 oras sa A320, habang ang unang opisyal, si Mohamed Ahmed Mamdouh Ahmed Asem ay 2.766 oras.

                                     

3. Lipad

Ang sasakyang panghimpapawid ay lumisan papuntang Cairo International Airport, mula sa Charles de Gaulle airport, noong 23:09 CEST 21:09 UTC. Ito ay lumilipad sa 37.000 feet 11.000 m sa maaliwalas na panahon nang ito ay nawala 175 mile 282 km hilaga ng babaybayin ng Egypt, sa ibabaw ng silangang Mediterranean noong 02:30 Egypt Standard Time 00:30 UTC. Ang sasakyang panghimpapawid ay nawala 3 oras sa 25 minuto sa mula sa simula ng lipad.

Ang sasakyang panghimpapawid ay inaasahang lalapag 03:05 Egypt Standard Time 01:05 UTC. Isang ELT signal ang na-detect ng Egyptian military dakong 04:26 Egypt Standard Time 02:26 UTC, dalawang oras matapos ang huling radar contact, nagpapahiwatig na ang alinman sa cockpit voice recorder o ang flight data recorder ay nabasâ, na mamaring isang resulta ng isang pagbagsak.

Kinumpirma ng Airbus, ang tagagawa ng eroplano, ang katayuan nito bilang nawawala. Nagpalabas sila ng isang pahayag sa kanilang Facebook paga: "Airbus regrets to confirm that an A320 operated by Egyptair was lost at around 2:30 am Egypt local time today over the Mediterranean sea."



                                     

4. Paghahanap at pagsagip

Kinumpirma ng Egyptian Civil Aviation ministry na may itinalagang search and rescue teams upang hanapin ang nawawalang sasakyang panghimpapawid. Ginagawa ang paghahanap nang may koordinasyon sa awtoridad ng Greece. Sinabi ni Ihab Raslan, isang tagapagsalita ng Egyptian Civil Aviation Agency, na ang sasakyang panghimpapawid may malaking posibilidad na bumagsak sa dagat. Nagpadala ang Greece ng isang Lockheed C-130 Hercules, isang EMB-145-H early warning aircraft at isang frigate na lugar upang lumahok sa paghahanap at pagsagip. Nagpadala rin ang France ng mga barko at mga sasakyang panghimpapawid upang tumulong sa operasyong paghahanap at pagsagip.

Sa araw ng kalamidad dakong 08:30 CEST 06:30 UTC, tinipon ni Pangulong François Hollande ng France ang ilan sa kanyang mga ministro para sa isang emergency Meeting sa Élysée Palace.

Users also searched:

lipad 804 ng egyptair, mga kalamidad ayon sa bansa. lipad 804 ng egyptair,

...

Encyclopedic dictionary

Translation
Free and no ads
no need to download or install

Pino - logical board game which is based on tactics and strategy. In general this is a remix of chess, checkers and corners. The game develops imagination, concentration, teaches how to solve tasks, plan their own actions and of course to think logically. It does not matter how much pieces you have, the main thing is how they are placement!

online intellectual game →