Back

ⓘ Kabalintunaang Fermi. Ang kabalintunaang Fermi o kabalintunaan ni Fermi, na ipinangalan sa pisisistang si Enrico Fermi, ay ang malinaw na kontradiksyon sa pagit ..



                                     

ⓘ Kabalintunaang Fermi

Ang kabalintunaang Fermi o kabalintunaan ni Fermi, na ipinangalan sa pisisistang si Enrico Fermi, ay ang malinaw na kontradiksyon sa pagitan ng kawalan ng ebidensiya at mataas na mga tantiyang probabilidad, hal., iyong mga ibinibigay ng ekwasyong Drake, para sa pag-iral ng mga extraterrestrial na sibilisasyon. Ang mga batayang punto ng argumento, na binuo ng mga pisisistang sina Enrico Fermi at Michael H. Hart, ay:

  • Kahit sa mabagal na takbo ng kasalukuyang pinag-iisipang paglalakbay sa pagitan ng mga bituin, ang kalawakang Ariwanas ay maaaring tawirin nang buo sa loob ng ilang milyong taon.
  • Nang may mataas na probabilidad, ang ilan sa mga bituing ito ay magkakaroon ng mga planetang katulad ng Daigdig, at kung tipikal ang Daigdig, ang ilan ay maaaring magkaroon ng matatalinong buhay.
  • Mayroong bilyun-bilyong bituin sa kalawakan na kahalintulad ng Araw, kung saan marami ay bilyong taon nang mas matanda kaysa sa Daigdig.
  • Ang ilan sa mga sibilisasyong ito ay maaaring magpaunlad ng paglalakbay sa pagitan ng mga bituin, isang hakbang na ngayon ay iniimbestigahan ng Daigdig.

Ayon sa linya ng pangangatuwirang ito, dapat ay nabisita na ng mga extraterrestrial na alien ang Daigdig. Marami nang naging pagtatangkang ipaliwanag ang kabalintunaang Fermi, pangunahin ay ipinapahiwatig na ang may isip na extraterrestrial na buhay ay napakabihira o nagmumungkahi ng mga katuwiran na ang mga naturang sibilisasyon ay hindi pa nakakaugnay o nakakabisita sa Daigdig.

                                     

1. Hindi kumpletong talaan ng mga hypothetical na paliwanag para sa kabalintunaan

  • Hindi pa nabubuhay ang mga tao nang sapat na haba ng panahon para matuklasan ng anumang extraterrestrial na sibilisasyon
  • Kulang sa abanteng teknolohiya ang mga matalinong alien na nilalang
  • Ang Daigdig ay sadyang inihihiwalay ng mga extraterrestrial
  • Umiiral ang mga extraterrestrial subalit masyado silang alien para mahiwalay sa kung anu-anong ingay
  • Hindi maayos na nakikinig o hindi naghahanap ng mga tamang bagay ang mga tao
  • Ang matatalinong sibilisasyon ay masyadong malayo sa isat isa sa distansya o panahon
  • Bihira o hindi umiiral ang buhay extraterrestrial
  • Wala nang ibang matalinong nilalang na lumitaw
  • Kalikasan ng matalinong buhay na lipulin ang sarili nito
  • Nauubos ang matalinong buhay bago pa man ito matuklasan sa pamamagitan ng mga natural na pangyayari
  • Nakikipamuhay na ang mga extraterrestrial sa atin subalit hindi pa natin sila napapansin
  • Naniniwala ang mga extraterrestrial na sibilisasyon na lubhang mapanganib ang makipag-ugnayan sa atin
  • Nagbo-broadcast lamang ang mga sibilisasyon ng mga hindi mabisang nasasagap na mga signal ng radyo sa maikling panahon
  • Nakikinig ang bawat sibilisasyon, walang sinuman ang nagpapadala
  • Ang mga extraterrestrial may tendensiyang ihiwalay ang kanilang mga sarili
  • Nabubuhay talaga tayo sa isang pagpapanggap na nilikha ng mas matalinong sibilisasyon, at sinadya nilang tayo lamang ang ilagay sa pagpapanggap na ito
  • Masyadong magastos ang pisikal na paglalakbay sa buong kalawakan
  • Ang Daigdig ay sadyang hindi inuugnayan at pinananatili na parang isang zoo
                                     
  • kwantum. Nanalo si Fermi ng 1938 Nobel Prize sa Pisika para sa kanyang gawa sa radyoaktibidad radioactivity Kabalintunaang Fermi Ang lathalaing ito

Users also searched:

kabalintunaang fermi, mga pangyayari ayon sa panahon. kabalintunaang fermi,

...

Encyclopedic dictionary

Translation
Free and no ads
no need to download or install

Pino - logical board game which is based on tactics and strategy. In general this is a remix of chess, checkers and corners. The game develops imagination, concentration, teaches how to solve tasks, plan their own actions and of course to think logically. It does not matter how much pieces you have, the main thing is how they are placement!

online intellectual game →