Back

ⓘ Durdy bayramov. Si Bayramov ay ipinanganak sa Baýramaly Turkmen Sobiyet Sosyalistang Republiko, na naging bahagi ng Sobiyet Union, noong Abril 14, 1938. Namatay ..



                                     

ⓘ Durdy bayramov

Si Bayramov ay ipinanganak sa Baýramaly Turkmen Sobiyet Sosyalistang Republiko, na naging bahagi ng Sobiyet Union, noong Abril 14, 1938. Namatay ang parehong mga magulang sa kanyang murang edad at siya ay namuhay bilang batang walang tahanan bago ilagay sa isang bahay ampunan sa Serdar kilala bilang Kyzyl-Arvat, kung saan siya ay pinalaki. Sa kanyang paglaki, sya ay nakaranas ng malupit na pagtitis sa gutom at ang kanyang maraming mga paghihirap ay sinamahan pa ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig World War II na lalo pang naglugmok sa kanya sa kahirapan pagkatapos ng himagsikan. Ngunit subalit, ng dahil sa tulong at gabay mula sa mga katangi-tanging mga guro noong panahon, kinilala ang kanyang talento at sinuportahan ng mga murang edad na pintor gawa ng kanyang pagsusumikap upang maging isang propesyonal na pintor. Ang kanyang unang guro sa sining ay si Gennadiy Brusentsov, isang Ruso pintor na nagtuturo sa Shota Rustaveli Turkmen Art College sa Ashgabat Pambansang Dalubhasaan ng Sining ng Shota Rustaveli Turkmen sa Ashgabat. Umunlad ang samahan ng dalawa at naging matalik na magkaibigan sa panghabambuhay. Si Brusentsov ang nagsilbing mentor ni Bayramov sa loob ng maraming taon. Ang larawan ni Brusentsov bilang isang batang Bayramov, na may pamagat na Batang Manlalaro ng Putbol, ay nasa koleksyon ng Estado Tretyakov Gallerya sa Moscow. Si Bayramov ay nagpinta ng tatlong makabuluhang mga larawan ng kanyang guro at ang isa sa pinaka-tanyag ay pinamagatang Larawan ng Aking Unang Guro, nilikha noong 1997-98. Ang isa pang mahusay na impluwensiya sa buhay ni Durdy Bayramov at sa kanyang artistikong karera ay si Dmitry Mochalsky Maestro sa Sining, ang kanyang propesor sa prestihiyosong Surikov Art Institute sa Moscow, kung saan si Bayramov ay dumalo sa pagitan ng 1959 at 1965. Si Mochalsky ay nakatanggap ng pinakamataas na parangal sa sining noong dating Sobiyet Union-Kinilalang Tanyag na Pintor ng USSR sa Moscow- at noon ay malawak na iginagalang sya dahil sa kanyang kakayahan upang bigyang halaga ang mga pangunahing kailangan sa kanyang pagpipinta, habang inihahanda ang ibang detalye. Ang kanyang paraan at diskarte sa pagpinta ay ipinamahagi sa marami ng kanyang mga mag-aaral, kabilang si Durdy Bayramov.

                                     

1. 1960s

Pagkatapos pag-aralan ang kanyang pormal na edukasyon noong 1965, si Bayramov ay sumali sa Unyon ng mga Pintor sa USSR at nagsimula ang kanyang karera bilang isang propesyonal na pintor. Ang tanawing uri ng pinta ay ang unang umakit at nagbigay ng inspirasyon kay Durdy Bayramov. Marami sa kanyang naging obra ay lumikha ng mataas na papuri. Ang kanyang pinta na pinamagatang" Mapayapang Lupain 1969 ay itinuring bilang isang halimbawa ng klasik na uri ng pinta ng Turkmen. Noong 1966, si Bayramov ay nag-asawa. Ang kanyang pinakamamahal na paraluman, Dunyagozel Gozel Ilyasova, ay siyang isa sa kanyang mga pinaka-madalas na paksa sa kanyang pagpinta at mananatiling isang inspirasyon para sa kanyang likha sa kabuuan ng kanyang buhay. Si Bayramov ay isang mapagmahal na kabiyak sa kanyang maybahay at ang isang buong serye ng mga gawa ay pinamagatang Gozel, kasama sa 53 limampu’t tatlong mga larawan ni Gozel at apat na pinta na ang paksa ay mga bulaklak ay nakatuon sa kanya. Mula 1965-1968, sya ay nagsilbi bilang isang guro sa sining sa Shota Rustaveli Turkmen State College of Arts in Ashgabat Pambansang Dalubhasaan ng Sining ng Shota Rustaveli Turkmen sa Ashgabat.

                                     

2. 1970s

Ang pangunahin at pinakahigit na parangal sa sining ay iginawad kay Bayramov noong pinangalanan sya bilang tagumpay ng Turkmen SSR Lenin Komsomol prize noong 1970 at ng USSR noong 1972. Taong 1971, kanyang natapos ang itinuturing na unang Turkmen sariling larawan, ang likha na tangan sa mga koleksyon ng USSR Union of Artists sa Moscow. Sa panahong ito, kanyang pinasimunuan ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ginawang tema sa mga kupunan ng mga pintor na Turkmen. Ang kanyang pintang" Frontline Assistance” ay bumihag ng malalim na pagkamakabayan ng mga ordinaryong kababaihang Turkmen at handang isakripisyo ang kanilang mga pinaka mahalagang mga ari-arian upang makatulong sa mga sundalo. Ang isa pang tema na binuo sa pamamagitan ni Bayramov sa panahon na ito ay ang proseso ng paggawa ng alpombra. Ang temang ito ay nakikita sa kanyang tanyag na gawa na may pamagat na Turkmen Carpet Makers 1971, kung saan nilalarawan ang mga kababaihan sa paggawa sa isang karpet sa pabrika. Ang kanyang obra maestra sa panahon ng Sobiyet, ang sining ng Turkmen ay unang itinampok sa State Museum of Oriental Art sa Moscow noong 1971 at sa kalaunan ay kinuha ng State Tretyakov Gallery noong 1979. Mula 1971 hanggang 1973, masigasig syang tulungan ang mga baguhang pintor kaya si Bayramov ay nagbalik sa kanyang posisyon bilang maestro sa sining sa Pambansang Dalubhasaan ng Sining ng Shota Rustaveli Turkmen Ashgabat. Sa kalagitnaan ng 1970s, pinagtuunan ang sa tingin nya ay magiging tanyag na serye," Cultural Figures”. Ang seryeng ito ay naglalaman ng mga larawan ng mga indibidwal na kinikilala ng Bayramov na nagbigay ng mahalagang kontribusyon sa Turkmen cultural heritage sa panahon ng nagdaang ikadalawampu at dalawampu’t isang unang siglo. Ang paglikha ng Cultural Figures ay sumasaklaw ng higit sa apat na dekada at nagresulta sa higit na 150 mga indibidwal na mga larawan.

                                     

3. 1980s

Noong 1980, si Bayramov ay pinangalanang isang" Art Worker ng Turkmen SSR”, at noong 1984 siya ay pinangaralan ng ikalawang premyo at isang pinagpipitagan Laureate Diploma para sa paligsahan sa pagtanaw ng 60 anibersaryo ng Turkmen SSR at Partido Komunista ng TSSR. Siya ay nanatiling matagumpay sa buong 1980s sa kabila ng personal na kahirapan kaugnay sa perestroika ca. 1985-1991, na naging sanhi ng kakulangan ng mga pangunahing pangangailangan ng sambahayan at mga produkto ng pagkain para sa maraming tao. Si Bayramov ay nagsumikap at higit na nagtrabaho sa kanyang sariling sining. Ang kanyang layunin ay patuloy na palawakin ang kanyang artistikong repertoire sa pamamagitan ng larawan ng mga tanawin at pa walang buhay, lalo na sa mga bulaklak.

Taong 1985, sya ay nagsimulang magtrabaho isa sa kanyang mga pinaka-tanyag na pampakay composisyon bilang pagkilala sa mahusay na Espanyol na pintor ng nakaraan na may pamagat na Golden Mist. Ang obrang ito ay hindi nakumpleto hanggang 2001. Sa buong 1980s, ang kanyang katanyagan at kabantugan ay lumago bilang isang resulta ng maraming naging sariling eksibisyon, kabilang dito ay ginanap sa Moscow, Russia 1980, 1984; Berlin, Aleman Democratic Republic 1981; Ulyanovsk, Russia 1984; Ashgabat, Turkmenistan dalawang eksibisyon sa 1986 nag-iisa; at Budapest, Hungary 1986.



                                     

4. 1990s

Kasunod sa patuloy na kritikal at tanyag na tagumpay sa kanyang lupang sinilangan at sa ibang bansa, noong 1991, iginawad kay Bayramov ang pinakamataas na artistikong titulo sa kanyang sariling bansa: People’s Artist ng Turkmenistan. Noong 1998, sya ay hinirang na isang propesor ng National Academy of Arts ng Kyrgyzstan, kasama ang mga kapwang pintor na sina Suhrob Kurbanov, Tahir Salahov, Turgunbai Sadykov, at Erbolat Tolepbai. Kasabay ng pagtatanghal ng award na ito, sya nag-ambag ng kanyang mga likha sa International Exhibition ng Academicians ng Kyrgyzstan sa Academy of Arts sa Bishkek.

                                     

5. 2000s

Sa buong 2000s, si Bayramov ay patuloy sa kanyang paglalakbay mula sa sariling bansang Turkmenistan at sa buong mundo. Kasama ang paglalakbay sa Ukraine, kung saan siya ay nagtanghal ng sariling eksibisyon sa Kiev National Museum of Russian Art, Russia 2003, Taylandiya 2004, Turkey 2002 at 2004, Maldives 2004, sa United Arab Emirates maramihang biyahe sa pagitan ng 2003 at 2007, Netherlands 2008, Italy 2009, Belgium 2010, at France 2010. Noong 2008, si Bayramov ay naging bantog sa kanyang ika-70 kaarawan at ang kanyang 50-taong milyahe bilang isang pintor na may dalawang nagdaang eksibisyon ng kanyang likha sa Ashgabat, Turkmenistan. Batay sa kanyang habangbuhay na pambihirang artistikong likha at kontribusyon sa kultura ng Turkmenistan, taong 2008, siya ay ginawaran ng medalya "Para sa Pag-ibig ng Inang Bayan For The Love of The Motherland", na inihandog sa kanya ng Pangulo ng Turkmenistan.

                                     

6. 2010s

Si Bayramov ay patuloy sa kanyang matagumpay na artistikong proyekto noong 2010s, ang paglikha ng higit sa siyamnapung larawan gawa sa langis sa pagitan ng 2010 at 2014. Noong 2012, ginugol ni Bayramov ang anim na buwan sa Canada kung saan siya ay lumikha ng isang kilalang serye ng mga larawan na may pamagat na Tagsibol sa Canada. Noong 2014, ang kanyang mga likha ay ipinapalabas sa Toronto, Ontario, Canada, minamarkahan ang unang eksibisyon ng kanyang likha sa Hilagang Amerika. Isang pampasinaya ang ginanap sa Toronto noong 2015. Ito ay pinamagatang" Sa Pamamagitan ng mga Mata ni Durdy Bayramov: Buhay sa Nayon ng mgaTurkmen, 1960s-80s, ang eksibisyon ay itinampok gamit ang itim at puting litrato at noon ay isang Tampok na Pasinaya ng Scotiabank CONTACT Photography Festival. Ang katumbas na katalogo ay naipahayag ng Durdy Bayramov Art Foundation sa pakikipagtulungan sa Asian Cultural History Program ng Smithsonian Institusyon. Noong 2015, ang isang solong eksibisyon ni Durdy Bayramov ay naganap patungkol sa kanyang mga likha sa World Bank Art Program sa Washington, DC, sa tulong ng Embahada ng Turkmenistan sa Estados Unidos. Ang pagbubukas ng eksibisyon na ito ay kasama sa pagdiriwang ng ika-24 anibersaryo ng Kalayaan at ang ika-20 anibersaryo ng Pagkawalang Kakampi ng Turkmenistan.



                                     

7. Malikhaing Estilo

Si Durdy Bayramov nakagawa ng higit na limang libo 5.000 likhang sining sa panahon ng matagumpay na karera, kabilang ang mga kuwadro na gawa ng langis at mga gawa sa papel. Siya rin ay isang retratistang puno ng damdamin, kahit na itinuturing na ang aktibidad na ito ay isang bahagi ng kanyang artistikong proseso ngunit hindi kailanman tinangka upang ipakita ang kanyang mga litrato. Sa kadahilanang ito, ang kanyang maraming koleksyon ay hindi maipapakita sa madla hanggang pagkatapos ng kanyang kamatayan. Si Bayramov ay puspusang gumawa ng kanyang mga likha sa batayan ng apat na dyanra: mga larawan, mapayapang buhay, tanawin, at pampakay na composisyon, ngunit mas higit siyang kinilala sa kanyang kahusayan sa pagpinta ng tanawing kategorya. Mula noong 1975, ito ay kapansin-pansin na bagaman siya ay mahusay sa pagpinta ng larawan at tanawing kategorya, maaaring sabihin na ang pagdidibuho ay angkin ng kanyang husay sa mga detalye."Kabilang sa mga kasamahan noong kanyang kapanahunan, siya ay itinuturing na isang "Pinakamahusay sa larawang dyanra. Natanim ng malalim sa karakter at panloob na buhay ang kanyang mga paksa na sumasalamin sa kanilang mga magkakaibang mga personalidad sa kanbas, habang binibigyang diin ang kanilang mga pinakamahusay na katangian. Si Bayramov ay lagging pinagtutuunan ang paggamit ng espesyal na kislap na umiiral sa loob ng bawat tao." Hangad niyang pagtugmain ang kasingkahulugan ng kanyang mga diskubre sa impresyonismo, ang pagbigay pansin sa mga detalye ng Klasikal na Riyalismo, at mayaman sa artistikong tradisyon ni Turkmenistan. Siya din natagpo ng inspirasyon sa mga tao mula sa lahat ng uri ng buhay, anuman ang kanilang panlipunan, pang-ekonomiya, o etnikong pinaggalingan. Ang kanyang paksa ay kinabibilangan ng maraming uri ng mga indibidwal, mula sa mga tagabaryo sa mga siyentipiko, mga estrangherong miyembro ng pamilya, mga musmos at nakatatanda. Ang kanyang malinaw na kalikasan at malapit na kaugnayan sa kanyang paksa ay tumutulong upang ipaliwanag ang kanyang tagumpay sa ganitong dyanra.

Kahit si Bayramov ay kilalang pinakamahusay para sa kanyang pagdidibuho, ang kanyang mga likha sa di gumagalaw na buhay at tanawing dyanra ay siya ring iginagalang. Ang mga bulaklak may espesyal na lugar sa kanyang pagpinta ng walang galaw na buhay. Kanyang nakahiligan ang paggamit ng mga makukulay at kayarian ng pulang bulaklak na poppies na siyang tumutubo sa paanan ng Turkmenistan tuwing tagsibol. Ang paglalarawan ng prutas ay simbolo ng kasaganaan ng kalikasan at ang kanyang pagmamahal sa prutas sa kanyang lupang tinubuan. Kanyang madalas na itinatanghal ay mansanas, mga milon, granada, at iba pang inaayos mula sa tradisyonal na latagan ng alpombra ng mgaTurkmen, na itinatampok ang Göl habi motifs at matitingkad na mga kulay, at sa Turkmen ornamental pyelto na tinatawag na keche

                                     

8. Mga Likha

Still Life

Rosas. Still Life Poppies 2012 Bulaklak.Palumpon Irises 2005 Bulaklak Para sa Ina 2005

Rosas 2005 Rosas sa Koshma Bulaklak.Tagsibol 2009 Bulaklak sa Bakuran 2012

2008
                                     

9. Komposisyong Pampakay

Kapanganakan ng Mundo ng Kompositor Pagsalungat 1978 Kasabihan 1977 Sa Kawalang Kamatayan Republika N Halmamedov 1978 1987 1985

Panahon ng Taghirap 1978 Bilang Suporta sa Harap 1977 – 1978 Ang Nakaraan

                                     

10. Tanawin

Walang Pamagat, Mula sa Seryeng "Tagsibol sa Canada" 2012 Tanawin ng Nisa 2012 Ilog" Firuzinka” 1994 Bundok Firuza 1991 No. 21, Mula sa Serye "Tagsibol Taymaz" 2005

                                     

11. Kamatayan at Pamana

Noong Pebrero 2014, si Durdy Bayramov ay sinuri at natuklasan na may kanser sa atay. Siya ay pumanaw noong Pebrero 14, 2014. Siya ay nanatiling buhay sa pamamagitan ng kanyang asawa na si, Gozel Bayramova, apat na anak, at pitong apo. Taong 2015, ang Durdy Bayramov Art Foundation ay itinatag sa Toronto, na may layunin ng pagsusulong ng kanyang pamana sa sining at edukasyon. Upang palawakin ang misyong ito, ang sandigan ay nagpatayo ng Bayramov Museo. Ito ay matatagpuan sa Toronto, ang museo ay naglalaman ng pinakamalaking koleksyon sa mundo ng kanyang sariling gawa na nagdadaos ng permanente at pansamantalang eksibisyon ng kanyang mga pinta. Siya ay kinikilala ng nakararami bilang isa sa pinakatanyag na pintor sa Gitnang Asia. Ang kanyang mga likha ay matatagpuan sa maraming mga pribadong mga koleksyon, pati na rin sa mga museo, gallerya, at kultural na mga institusyon sa buong mundo, kabilang ang:

Durdy Bayramov Art Foundation, Toronto, Ontario, Canada Dresden Gallery, Dresden, Germany Museum of Fine Arts, Ashgabat, Turkmenistan Museum of Fine Arts, Mary, Turkmenistan Museum of Fine Arts, Turkmenabat, Turkmenistan Museum of Fine Arts, Balkanabat, Turkmenistan The State Tretyakov Gallery, Moscow, Russia The State Museum of Oriental Art, Moscow, Russia Museum of Fine Arts of Karelian Republic, Petrozavodsk, Russia Museum of Fine Arts, Komsomolsk-on-Amur, Russia Primorye State Art Gallery, Vladivostok, Russia Tyumen Regional Museum of Fine Arts, Tyumen, Russia The T. Sadykov ru Museum of the National Academy of Arts, Bishkek, Kyrgyzstan The State Museum of Arts of Uzbekistan, Tashkent, Uzbekistan The Kiev National Museum of Russian Art ru, Kiev, Ukraine The Lugansk Regional Museum of Fine Arts ru, Lugansk, Ukraine Museum of Fine Art, Kmitov, Ukraine



                                     

12. Sariling Eksibisyon

2016 Durdy Bayramov, Toronto, Ontario, Canada." Classical Turkmen Music Days in Canada”. Ismaili Centre, Toronto 2016 Durdy Bayramov, Ashgabat, Turkmenistan. Turkmen State Institute of Transport and Communications, with support of the Ministry of Culture, Ministry of Education, and museums in Ashgabat within a framework of the "Year of Honoring Heritage, Transforming the Motherland" 2016 Durdy Bayramov, Washington, DC, United States. Embassy of Turkmenistan in Washington, D.C. 2015 Durdy Bayramov, Washington, DC, United States. World Bank Art Program 2015 Durdy Bayramov, Toronto, Ontario, Canada." Through the Eyes of Durdy Bayramov: Turkmen Village Life, 1960s-80s” world’s first exhibition of Durdy Bayramov’s photography 2014 Durdy Bayramov, Toronto, Ontario, Canada." My life belongs to art and art belongs to the people” 2013 Durdy Bayramov, Ashgabat, Turkmenistan exhibition devoted to the 75th birthday of Durdy Bayramov 2008 Durdy Bayramov, Exhibition Hall of the Artists Union, Ashgabat, Turkmenistan exhibition celebrating Durdy Bayramov’s 70th birthday and a 50-year milestone as an artist 2008 Durdy Bayramov, Museum of Fine Arts, Ashgabat, Turkmenistan 2003 Durdy Bayramov, Ashgabat, Turkmenistan 2000 Durdy Bayramov, Kiev National Museum of Russian Art, Kiev, Ukraine 1998 Durdy Bayramov, Ashgabat, Turkmenistan 1986 Durdy Bayramov, Budapest, Hungary 1986 Durdy Bayramov, Ashkhabad, Turkmen Soviet Socialist Republic." Ashkhabad – Kunya Urgench – Ashkhabad” 1986 Durdy Bayramov, Ashkhabad, Turkmen Soviet Socialist Republic 1984 Durdy Bayramov, Ulyanovsk, Russia 1981 Durdy Bayramov, Berlin, German Democratic Republic 1980 Durdy Bayramov, Moscow, Russia 1978 Durdy Bayramov, Ashkhabad, Turkmen Soviet Socialist Republic 1975 Durdy Bayramov, Kiev, Ukraine 1971 Durdy Bayramov, Halle Saale, German Democratic Republic 1970 Durdy Bayramov, Ashkhabad, Turkmen Soviet Socialist Republic." Through India”

                                     

13. Mga Parangal at Pagkilala

2011 Jubilee medal" 20th Anniversary of Independence of Turkmenistan” 2009 Byashim Nurali Prize, Artists Union of Turkmenistan 2008 President of Turkmenistans medal" For the Love of the Motherland” 1998 Academician of the National Academy of Arts of the Kyrgyz Republic 1991 People’s Artist of Turkmen SSR 1984 Second Prize and Laureate Diploma for the contest commemorating the 60th anniversary of the Turkmen SSR and Communist Party of TSSR 1980 Honoured Art Worker of Turkmen SSR 1978-1979 Second Prize and Laureate Diploma for the art contest of Turkmen SSR painters 1975 Third Prize and Laureate Diploma for the nationwide contest entitled" Women’s Portrait”, Moscow, USSR 1974 Gold Medal, Exhibition of Achievements of National Economy VDNKh, Moscow, USSR 1974 Honorary Certificate, Supreme Council and Council of Ministers of Turkmen SSR 1974 Second Prize and Laureate Diploma for the contest commemorating the 50th anniversary of the Turkmen SSR 1972 USSR Lenin Komsomol Prize; Laureate Second Prize and Laureate Diploma, National Exhibition of Young Artists of USSR 1970 Turkmen SSR Lenin Komsomol Prize 1965 Honorary Certificate, Supreme Council of Turkmen SSR

                                     

14. Sanggunian

1. ^ The State Tretyakov Gallery. 2013. "Katalog Sobraniya: Seriya Zhivopis XVIII-XX Vekov. T. 7: Zhivopis Vtoroi Poloviny XX Veka. Kn. Pervaya. A-M." Каталог Собрания: Серия Живопись XVIII-XX Веков. Т. 7: Живопись Второй Половины XX Века. Кн. Первая. А–М. Moscow: The State Tretyakov Gallery. ISBN 978-5-89580-037-9 25. ^ Government of Turkmenistan

Users also searched:

durdy bayramov, mga pamagat na panlipunan ng mga tao. durdy bayramov,

...

Encyclopedic dictionary

Translation
Free and no ads
no need to download or install

Pino - logical board game which is based on tactics and strategy. In general this is a remix of chess, checkers and corners. The game develops imagination, concentration, teaches how to solve tasks, plan their own actions and of course to think logically. It does not matter how much pieces you have, the main thing is how they are placement!

online intellectual game →