Back

ⓘ Ruben Dario - Nicaragua Si Félix Rubén García Sarmiento, kilala bilang Rubén Darío, ay isang manunulat ng Nicaragua na nagpasimuno ng Spanish-American literary ..



Ruben Dario
                                     

ⓘ Ruben Dario

Ruben Dario - Nicaragua

Si Félix Rubén García Sarmiento, kilala bilang Rubén Darío, ay isang manunulat ng Nicaragua na nagpasimuno ng "Spanish-American literary movement" na Modernismo modernism na umusbong sa katapusan ng ika-19 na siglo. Si Darío ay nagkaroon ng dakila at impluwensiyang wagas sa ika-20 siglo ng panitikang Espanyol at pamamahayag. Pinupuri siya bilang "Prince of Castilian Letters" at hindi mapag-aalinlangang ama ng Modernismo.

Noong 1892, iniwan ni Dario ang kanyang pamilya sa Costa Rica, at naglakbay patungong Guatemala at Nicaragua, upang maghanap ng mabuting kapalaran lalo na sa ekonomikong pagkakataon. Sa huli, pinangalanan siya ng pamahalaang Nicaraguan na miyembro ng delegasyon sa Madrid kung saan ang mga pangyayari ay magaganap upang alalahanin ang ika-apat na centennial na pagkatuklas ng America. Sa panahon ng kanyang paglalakbay sa Spain, si Darío ay tumigil sa Havana, kung saan nakilala niya si Julián del Casal at ang iba pang artists, tulad nina Aniceto Valdivia at Raoul Cay. Noong August 14, 1892, siya ay lumabas sa Santander, kung saan siya nagpatuloy ng kanyang paglalakbay sa Madrid sa pamamagitan ng tren. Ilan sa mga nakihalubilo na palagi ay ang mga manunula tulad nina Gaspar Núñez de Arce, José Zorrilla at Salvador Rueda; mga nobelistang sina Juan Valera at Emilia Pardo Bazán; ang matalinong si Marcelino Menéndez Pelayo; at ilan pang mga kilalang politico tulad nina Emilio Castelar at Antonio Cánovas del Castillo. Noong Nobyembre, siya ay bumalik sa Nicaragua, kung saan siya nakatanggap ng telegram mula kay San Salvador na nagpapahayag sa kanya ng sakit ng kanyang asawa na namatay noong Enero 23, 1893.

Sa simula ng 1893, si Ruben ay nanatili sa Managua, kung saan siya nagbago ng kanyang kalagayan kasama si Rosario Murillo, na ang pamilya ang nagpwersa kay Darío na pakasalan siya.

Si Darío ay namatay noong Febrero 6, 1916, sae dad na 49, sa León. Ang kanyang pagkakahimlay at lamay ay tumagal ng ilang araw. At siya ay inilibing sa the citys cathedral noong Febrero 13, 1916, sa ibaba ng bantayog ni Saint Paul malapit sa chancel sa ilalim ng lion na gawa sa marmol ng manlililok na si Jorge Navas Cordonero.

Ebolusyon

Ang ebolusyon ng tula ni Dario ay nagmarka sa pamamagitan ng pagpapahayag ng mga aklat na nakilala ng mga iskolar ang kanyang mga pangunahing akda: Azul. 1888, Prosas profanas y otros poemas 1896 y Cantos de vida y esperanza 1905. Bago ang Azul. sumulat si Darío ng tatlong aklat at maraming tula na bumuo sa tinatawag na "literary prehistory" "prehistoria literaria". Ang mga akalt ay Epístolas y poemas, Rimas 1887 at Abrojos 1887. Sa una nitong mga akda, and kanyang mga pagbasa sa klasikong Espanyol ay litaw o maliwanag, tulad ng tatak ni Victor Hugo. Klasiko ang sukat at ang tono ay nakapamamayaning romantic.

Sa Abrojos, nailathala sa Chile, ang pinakanakilalang impluwensiya ay ang mula sa Kastilang si Ramón de Campoamor. Rimas, nailathala rin sa Chile sa parehong taon, naisulat sa paligsahan para gayahin ang Bécquers Rimas,anopat, hindi ito estranghero na ang taimtim na tonong nakuha sa aklat na ito ay kawangis ng isa na nasa panulat ng Sevillian makata/manunulat. Ito ay binubuo lamang ng labing-apat na tula, ng mairuging tono, na ang pamamaraang pagpapahayag ay likas na bécquerian.

Ang Azul. 1888 may maraming kuwento sa sulat tuluyan bilang mga tula, na nakahuli sa atensiyon ng mga kritiko sa pamamagitan ng pagkakaibang sukat nito. Ipinakikilala nito sa atin ang ilang "preoccupations characteristic" ni Dario, gaya ng kanyang ekspresyon ng labag sa loob tungo sa bourgeoisie tingnan, halimbawa, ang kuwento sa "El rey burgués") Ang unang edition ng teksto ay nailathala noong 1890, ito ay nadagdagan ng ilang bagong teksto, ilan ay mga sonete sa Alexandrine verses. Ang Modernismong tanghalan ng kalubusan ng tulaang Darian ay tinatakan ng aklat na Prosas profanas y otros poemas, ang koleksiyon ng tula na ang presensiya ng erotika ay mas mahalaga, at naglalaman ng ilang temang esoteric gaya ng sa tulang "Coloquio de los centauros". Sa aklat na ito, makikita rin natin ang sariling larawang eclectic ni Dario. Noong 1905, inilathala niya ang Cantos de vida y esperanza, na nagpapahayag ng mas taos at pasariling trend sa kanyang mga akda, na walang pagtanggi sa mga tema na maging kawing sa pagkakakilanlan ng Modernismo. Gayon din, ang civic poetry ay lumitaw sa kanyang akda, tulad ng tula "A Roosevelt", ang trend na magpapatingkad sa El canto errante 1907 at sa Canto la Argentina y otros poemas 1914.

                                     
  • kamay - akda ni Dario sa salin ng koleksiyong ng mga tulang pinamagatang Labing - isang Tula ni Ruben Dario Eleven Poems of Ruben Dario na inilathala
  • pamumuno Hunyo 15, 1996 Nagretiro Hinalinhan Antonio Innocenti Kahalili Dario Castrillon Hoyos Iba pang katungkulan Obispo ng Lucena Arsobispo ng Nueva

Users also searched:

ruben dario, mga pangyayari ayon sa panahon. ruben dario,

...

Encyclopedic dictionary

Translation
Free and no ads
no need to download or install

Pino - logical board game which is based on tactics and strategy. In general this is a remix of chess, checkers and corners. The game develops imagination, concentration, teaches how to solve tasks, plan their own actions and of course to think logically. It does not matter how much pieces you have, the main thing is how they are placement!

online intellectual game →