Back

ⓘ Helicopter 66. Ang Helicopter 66 ay isang Sikorsky Sea King na helikopter ng Hukbong Dagat ng Estados Unidos na ginamit noong huling bahagi ng dekada 1960 para ..



Helicopter 66
                                     

ⓘ Helicopter 66

Ang Helicopter 66 ay isang Sikorsky Sea King na helikopter ng Hukbong Dagat ng Estados Unidos na ginamit noong huling bahagi ng dekada 1960 para sa tubiging paggaling ng mga malintala sa limang misyon ng programang Apollo. Itinuturing ito bilang "isa sa mga pinakasikat o pinakaikoniko lang man na helikopter sa kasaysayan". Ginawa itong paksa ng isang kanta ni Manuela mula sa 1969 at ginawan ng modelong die-cast ng Dinky Toys. Bilang karagdagan sa kanyang trabaho sa pagsuporta ng NASA, inihatid din ng Helicopter 66 ang Shah ng Iran sa kanyang pagbisita noong 1973 sa salipawan na USS Kitty Hawk.

Ibinigay ang Helicopter 66 sa US Navy noong 1967 at naging bahagi ng imbentaryo ng HS-4 U.S. Navy Helicopter Anti-Submarine Squadron Four para sa buong aktibong buhay nito. Kabilang sa mga piloto nito noon si Donald S. Jones na nagpatuloy na mamamahala ng Ikatlong Armada ng Estados Unidos. Binigyan ito ng bagong numero Helicopter 740, at bumagsak ang salipaw sa Karagatang Pasipiko noong 1975 sa isang pagsasanay. Sa panahon ng pagbagsak nito, nakarehistro ito ng higit sa 3.200 oras ng serbisyo.

                                     

1. Disenyo

Ang Helicopter 66 ay isang Sikorsky Sea King SH-3D. Dinisenyo ang mga SH-3D model Sea King para sa digma laban sa submarino Ingles: anti-submarine warfare o ASW at kadalasang isinasaayos na magdala ng apat na kawan at hanggang tatlong pasahero. Pinapatakbo ng dalawang General Electric T58-GE-10 turboshaft engine na bawat isa nakakagawa ng hanggang 1.400 lakas-kabayo 1.000 kW, umaabot ang pinakamataas na bilis sa hangin Ingles: airspeed ng SH-3D ng 120 know 220 km/h; 140 mph at isang tibay sa misyon na bumabalasak ng 4.5 oras. Sila may pinakamalaking pinapayagang timbang na 20.500 libra 9.300 kg na may kakayahang magdala ng panlabas na kargamento nang hanggang sa 6.000 libra 2.700 kg.

Tuwing mga misyon ng ASW, karaniwang armado ang Sea King SH-3D ng mga MK-46/44 na turpido.

                                     

2.1. Kasaysayan Maagang kasaysayan at mga misyong Apollo

Naihatid ang Helicopter 66 sa Amerikanong Hukbong Dagat noong Marso 4, 1967, at, noong 1968, idinagdag sa imbentaryo ng HS-4 ng Amerikanong Hukbong Dagat. NT-66/2711 ang orihinal na numero ng buntot nito.

Inaktiba noong Hunyo 30, 1952, Squadron Four – "the Black Knights" – ang unang iskuwadrong helikopter panlaban sa submarino ng Amerikanong Hukbong Dagat na inisakay sa isang salipawan kung saan, noong 1953, pinatatakbo ito mula sa USS Rendova. Sinimulan nitong gamitin ang Sea King SH-3D noong 1968, paglipat mula sa modelo ng SH-3A. Sa taong iyon, itinalaga ang iskwadron sa Carrier Anti-Submarine Air Group 59 at naisakay sa USS Yorktown sa Dagat ng Hapon Silangang Dagat bilang tugon sa pagkuha ng USS Pueblo ng Hukbong Dagat ng mga Mamamayang Koreano. Nang maglaon sa taong iyon, inatasan ang Yorktown - at Squadron Four - na suportahan ang NASA sa pagsagip ng mga bumabalik na malintala sa karagatan.

Sa panahon ng mga misyong Apollo 8, Apollo 10, at Apollo 11, ang Helicopter 66 ang pangunahing sasakyan sa pagsagip na kumuha ng mga bumabalik na malintala mula sa mga pansikpaw na paatasang litsilid. Bilang resulta, kitang-kita ito sa balita sa telebisyon at sa potograpiyang nakapirmi, at nakamit - sa mga salita ni Dwayne A. Day, isang mananalaysay ng kalawakan - ang katayuan ng "isa sa mga pinakasikat, o hindi bababa sa pinakaikoniko, helikopter sa kasaysayan". Piniloto ni Komandante Donald S. Jones, na mamaya ay namahala sa Ikatlong Armada ng Estados Unidos, ang Helicopter 66 sa panahon ng kanyang pampasinayang misyon ng pagsagip ng malintala kasunod ng Apollo 8, at muli sa panahon ng pagsagip ng Apollo 11.

Kasunod ng misyong Apollo 11, pumalit ang Hukbong Dagat sa sistemang tatluhang pamilang ng pagtatalaga at naging Helicopter 740 ang Helicopter 66. Kinikilala ang nakamit na katanyagan ng Helicopter 66, nagsimula ang Hukbong Dagat sa kaugaliang ng magpinta muli ng Helicopter 740 bilang Helicopter 66 para sa susunod na mga misyon sa pagsilang kung saan lumahok ito, Apollo 12 at Apollo 13, pininta ito muli bilang Helicopter 740 sa pagwakas ng bawat misyon. Sa panahon ng paggamit nito para sa pagsilang ng malintala, nagkaroon ang Helicopter 66 ng mga marka ng tagumpay sa katawan nito na nagpapakita ng silweta ng kalawakang litsidlan, na may idinagdag para sa bawat pagbawi kung saan ito ay nakilahok. Para sa pagbawi ng mga malintala ng Apollo 11, namarkahan ang ilalim ng katawan ng mga salitang "Hail, Columbia".

                                     

2.2. Kasaysayan Huling kasaysayan at pagbagsak

Magmula noong 1973, isinakay ang Helicopter Squadron Four, kapiling ang Helicopter 66, sa USS Kitty Hawk. Noong taong iyon, inihatid ng Helicopter 66 ang Shah ng Iran, si Mohammad Reza Pahlavi, sa Kitty Hawk para sa isang pagbibiyahe ng barko habang binabalin ang Karagatang Indiyano.

Noong alas siyete ng gabi ng Hunyo 4, 1975, umalis ang Helicopter 66, na muling ibinilang bilang 740, sa NOLF Imperial Beach malapit sa San Diego, California, papunta sa Helo Offshore Training Area ng Amerikanong Hukbong Dagat upang magsagawa ng regular na nakaiskedyul, tatlong oras na pagsasanay laban sa submarino sa gabi. Sa panahon ng operasyon, kung saan nagdadala ito ng isang buong kapupunan ng apat na kawan, bumagsak ang helikopter. Bagamat iniligtas ang kawan ng Tanod Baybayin ng Estados Unidos, napinsala ang piloto na si Leo Rolek at nang maglaon ay namatay dahil sa mga sugat niya mula sa pagbagsak. Hindi alam ang eksaktong dahilan ng pagbagsak ng Helicopter 66; hanggang sa 2017 pinanatiling lihim ang ulat ng Amerikanong Hukbong Dagat. Lumubog ang sirang katawan ng helikopter nang 800 dipa 1.500 m ng tubig. Sa oras ng pagbagsak nito, lumipad ang Helicopter 66 nang 3.245.2 oras mula nang dalhin sa serbisyo, at 183.6 na oras mula noong huling pag-ayos nito.

Ang nalunod na helikoptero ay nananatiling ari-arian ng Amerikanong Hukbong Dagat, at hindi nangyari ang isang pagtangka noong 2004 ng mga may pribadong interes upang mabawi ito para sa preserbasyon.



                                     

3. Legasiya

Kinomisyon ang isang pagpipinta ng Helicopter 66 noong 1969 mula kay Tom OHara, isang manlilikha, bilang bahagi ng isang inisyatibong sining ng NASA. Pagkatapos ay inilagay ito sa pangangalaga ng Pambansang Museo ng Himpapawid at Kalawakan.

Noong Setyembre 1969, inilabas ni Manuela, isang Alemanang mang-aawit, ang isang single na pinamagatang "Helicopter US Navy 66" na nagtatampok ng tunog ng mga pampainog ng helikopter. Gumawa ng cover si Samantha, isang Belhikanang mang-aawit ng pop, sa susunod na taon, at idinahilan sa pagtulong sa paglunsad ng kanyang karera. Sa isang pakikipanayam noong 2007, binanggit ang katanyagan ng "Helicopter US Navy 66" bilang isang kantang pagsasara sa mga klab ng sayawan noong dekada 1970 ng Belhika ng Belhikanang mangangantang Schlager na si Laura Lynn bilang inspirasyon para sa kanyang hit na "Goud".

Noong unang bahagi ng dekada 1970, inilabas ng Dinky Toys ang isang modelong die-cast ng helikopterong Sea King na may uniporme ng Helicopter 66. Ang modelo may isang gumaganang torno na may kayang magbuhat ng laruang plastik na kalawakang litsidlan.

Ipinatanghal ang mga kopya ng Helicopter 66 sa Museong Evergreen ng Abyasyon at Kalawakan sa Oregon, sa Museo ng USS Midway sa San Diego, at sa Museo ng USS putakti sa Alameda, California. Ang helikopter sa Museong USS Hornet ay isang retiradong Navy Sikorsky Sea King na ginamit sa pagsasapelikula ng lihok-larawang Apollo 13.

                                     
  • mga 13 manggagawa ang namatay. Sa pagbagsak ng isang pampanguluhang helicopter sa isang masukal at makahoy na bahagi ng Kabayan, Benguet, lahat ng hindi
  • 82 kg March 10, 1964 Ateneo de Davao Purefoods, Alaska, Pop Cola The Helicopter Mr. Fourth Quarter Man Zaldy Latoza F 6 ft 2 in 1.88 m 150 lb 68 kg
                                     
  • umalis ang mga pulong at nagpunta sa Bogor Palasyo sa pamamagitan ng helicopter Tatlong mga pro - Suharto generals Basuki Rahmat, Amirmachmud, at Mohammad
  • Lastimosa SG 6 AdMU Blue Eagles Jojo, Jolas, Fourth Quarter Man, The Helicopter 1988 to 1990 Concession Eddie Laure G F 11 Adamson Falcons 2004 to 2005

Users also searched:

helicopter 66, kasaysayan ng daigdig. helicopter 66,

...

Encyclopedic dictionary

Translation
Free and no ads
no need to download or install

Pino - logical board game which is based on tactics and strategy. In general this is a remix of chess, checkers and corners. The game develops imagination, concentration, teaches how to solve tasks, plan their own actions and of course to think logically. It does not matter how much pieces you have, the main thing is how they are placement!

online intellectual game →