Back

ⓘ Ang Sining ng Pakikidigma ay isang sinaunang Tsinong kasunduang militar na nagmula sa Panahon ng Huling Tagsibol at Taglagas. Binubuo ang gawain na iniugnay sa ..



Ang Sining ng Pakikidigma
                                     

ⓘ Ang Sining ng Pakikidigma

Ang Sining ng Pakikidigma ay isang sinaunang Tsinong kasunduang militar na nagmula sa Panahon ng Huling Tagsibol at Taglagas. Binubuo ang gawain na iniugnay sa sinaunang diskartistang militar ng Tsina na si Sun Tzu, ng 13 kabanata. Nakatuon ang bawat isa sa isang aspeto ng pakikidigma at kung paano ito nailalapat sa mga diskarteng at taktikang militar. Sa halos 1.500 taon, ito ang nangibabaw na teksto sa isang antolohiya na ginawang pormal bilang ang Pitong Klasikong Pangmilitar ni Emperador Shenzong ng Song noong 1080. Ang Singing ng Pakikidigma ay nananatiling pinakamaimpluwensyang teksto ng diskarte sa Silangang Asyanong pakikidigma at nag-impluwensya sa ng pag-iisip ng militar sa Silangan at Kanluran, taktikang pangnegosyo, diskarteng panligal, pamumuhay at higit pa.

Naglalaman ang libro ng detalyadong paliwanag at pagsusuri ng militar-Tsino, mula sa mga sandata at diskarte hanggang sa ranggo at disiplina. Binigyang-diin din ni Sun Tzu ang kahalagahan ng mga operatibang intelihensiya at paniniktik sa pagpupunyagi sa giyera. Dahil matagal nang itinuturing si Sun Tzu bilang pinakamagaling na diskartistang militar at analista ng kasaysayan, ibinuo ng kanyang mga pagtuturo at mga diskarte ang batayan ng nakalalamang na pagsasanay-militar sa mga nakalipas na siglo.

Isinalinwika ang libro sa Pranses at inilathala noong 1772 muling nailathala noong 1782 ni Jean Joseph Marie Amiot, isang Pranses na Heswita. Tinangka ang bahagyang pagsasalin sa Ingles ni Everard Ferguson Calthrop, isang Britong opisyal noong 1905 sa ilalim ng pamagat na The Book of War "Ang Aklat ng Pakikidigma". Nakumpleto at nailathala ang unang anotadong pagsasalin sa Ingles ni Lionel Giles noong 1910. Nainspira ang mga pinunong militar at pampulitika tulad ng Tsinong rebolusyonaryong komunistang Mao Zedong, Hapones na daimyō na si Takeda Shingen, heneral ng Byetnam na si Võ Nguyên Giáp, at Amerikanong heneral-militar na si Norman Schwarzkopf Jr mula sa aklat.

                                     

1.1. Kasaysayan Teksto at komentaryo

Ang Sining ng Pakikidigma ay kamihasnang naiiugnay sa isang heneral-militar mula noong huling bahagi ng ika-6 na siglo BK na kilala bilang "Maestrong Sun" Mandarin: "Sunzi", "Sun Tzu" dati, kahit marahil na mapepetsahan ang pinakaunang bahagi nito sa 100 taon pagkalipas ng panahong iyon. Ang akda ni Sima Qian noong ika-1 siglo BK na Talaan ng Dakilang Mananalaysay Shiji, ang una sa 24 na kasaysayang dinastiko ng Tsina, ay nagtala ng maagang tradisyon ng Tsina na nagsasabi na isinulat ang isang teksto sa mga bagay-militar ng isa na may pangalang "Sun Wu" 孫武 mula sa Estado ng Qi, at binasa at pinag-aralan ang tekstong ito ni Haring Helü ng Wu r. 514–495 BK. Ayon sa kaugalian, kinilala ang tekstong ito sa natanggap na Master Suns Art of War "Sining ng Pakikidigma ni Maestrong Sun". Ang karaniwang pananaw - na ipinapaniwala pa rin nang marami sa Tsina - ay isang teoristang militar si Sun Wu mula sa katapusan ng kapanahunan ng Tagsibol at Taglagas 776–471 BK na tumakas sa kanyang tahanang bayan ng Qi sa timog-silangang kaharian ng Wu, kung saan pinaniniwalaan na hinangaan siya ng hari dahil sa kanyang kakayahang humutok kahit na sa mga mahinhing kababaihan ng palasyo sa pakikidigma at magpalakas ng mga hukbong-kati ni Wu na makapaghamon sila sa kanilang mga karibal sa kanluran sa estado ng Chu.

Si Cao Cao, isang diskartista, makata, at mandirigma sa unang bahagi ng ika-3 siglo PK ay nagsulat ng pinakaunang kilalang komentaryo sa Sining ng Pakikidigma. Malinaw sa paunang salita ni Cao na binago niya ang teksto at tinanggal ang ilang mga sipi, ngunit hindi malinaw kung gaano kaiba ang mga pagbabago niya sa kasaysayan. Ang Sining ng Pakikidigma ay lumilitaw sa mga katalogong pambibliograpiya ng mga kasaysayan ng mga dinastiko ng Tsino, ngunit iba-iba ang mga listahan ng mga dibisyon at laki nito. Noong unang bahagi ng ika-20 siglo, tineorya ni Liang Qichao, isang manunulat at Tsinong repormador, na isinulat ang teksto noong ika-4 na siglo BK ng purong inapo na si Sun Bin batay sa mga ibinanggit ng mga makasaysayang sanggunian na may sinulat siyang kasunduang militar.

                                     

1.2. Kasaysayan Pag-akda

Noong mga ika-12 siglo, nagsimulang mag-alinlangan ang ilang mga iskolar kung nabuhay talaga si Sunzi dahil sa mga batayan na hindi siya nabanggit sa makasaysayang klasikong Ang Komentaryong Zuo zhuan 左傳 na nagbabanggit ng karamihan sa mga kilalang tauhan mula sa kapanahunan ng Tagsibol at Taglagas. Hindi lumilitaw ang pangalang "Sun Wu" 孫武 sa anumang teksto bago ang Records of the Grand Historian "Talaan ng Dakilang Mananalaysay", at pinaghihinalaang isang gawa-gawa na may-kinakalarawang palayaw na nangangahulugang "ang puganteng mandirigma": ipinakahulugan ang apelyidong "Sun" bilang kaugnay na termino sa "pugante" xùn 遜, habang ang "Wu" ay ang sinaunang Tsinong birtud na "panghukbo, magiting" wǔ 武 na tumutugma sa papel ni Sunzi bilang doppelgänger ng bayani sa kuwento ni Wu Zixu. Hindi tulad kay Sun Wu, tilang totoong tao si Sun Bin na naging tunay na awtoridad sa mga bagay ng militar, at marahil na naging inspirasyon para sa paglikha ng makasaysayang tauhan na "Sunzi" sa pamamagitan ng isang anyo ng euhemerismo.

                                     

1.3. Kasaysayan Ang pagtuklas ng libingan sa Yinqueshan

Noong 1972, natuklasan ang mga piraso ng Yinqueshan Han sa dalawang libingan ng dinastiyang Han 206 BK – PK 220 malapit sa lungsod ng Linyi sa lalawigan ng Shandong. Kabilang sa mga mararaming sinulatan na piraso ng kawayan sa mga libingan na na- seal sa pagitan ng 134 at 118 BK, ayon sa pagkakabanggit ay dalawang magkahiwalay na teksto: isa na naiugnay kay "Sunzi" na naaayon sa natanggap na teksto, at isa pang naiugnay kay Sun Bin na nagpapaliwanag at nagpapalawak sa naunang Ang Sining ng Pakikidigma ni Sunzi. Nagsanib-sanib ang mga laman ng teksto ni Sun Bin sa karamihan ng tekstong "Sunzi", at marahil na ang dalawa ay "isang solong, patuloy na pagbuo ng tradisyonal na tradisyon na pinagsama sa ilalim ng pangalang Sun". Ipinakita nitong pagtuklas na ang karamihan sa makasaysayang pagkalito ay dahil sa pagkakaroon ng dalawang teksto na maaaring itukoy bilang "Sining ng Pakikidigma ni Maestrong Sun", hindi lang isa. Halos isang-katlo ng mga kabanata ng modernong Ang Sining ng Pakikidigma ang nilalaman ng naunang teksto, at halos magkatugma ang kanilang mga teksto. Tanggap na ngayon na nakumpleto ang mas naunang Ang Sining ng Pakikidigma sa pagitan ng 500 at 430 BK.



                                     

2.1. Mga sipi Tsino

Makikita ang mga taludtod mula sa aklat sa modernong pang-araw-araw na mga Tsinong idyoma at parirala, tulad ng huling taludtod ng Kabanata 3:

故曰:知彼知己,百戰不殆;不知彼而知己, 一勝一負;不知彼,不知己,每戰必殆。 Samakatwid ang kasabihan: Kung kilala mo ang kaaway at kilala mo ang iyong sarili, hindi mo dapat ikatakot ang resulta ng isang daang laban. Kung kilala mo ang iyong sarili ngunit hindi ang kaaway, sa bawat tagumpay na nakamit ay magdaranas ka rin ng isang pagkatalo. Kung hindi mo alam ang kaaway ni ang iyong sarili, mapapasuko ka sa bawat labanan.

Higit na pinaikli at tinuwiran ito sa modernong Tsinong kasabihan na:

知己知彼,百戰不殆。Zhī jǐ zhī bǐ, bǎi zhàn bù dài. Kung kapwa kilala mo ang iyong sarili at ang iyong kaaway, maaari kang manalo ng mararaming literal na, "isang daang" laban nang walang panganib.
                                     

2.2. Mga sipi Ingles

Matatagpuan din ang mga karaniwang halimbawa sa wikang Ingles, tulad ng talata 18 sa Kabanata 1:

兵者,詭道也。故能而示之不能,用而示之不用,近而示之遠,遠而示之近。 Lahat ng digma ay batay sa panlilinlang. Samakatuwid, kapag nakakapag-atake tayo, dapat magmukhang hindi natin magagawa; kapag ginagamit natin ang ating mga puwersa, dapat magmukhang hindi tayo aktibo; kapag malapit na tayo, dapat papaniwalain natin na ang kaaway na malayo tayo; kapag malayo, dapat papaniwalain natin na malapit na tayo.

Pinaikli pa ito sa pinakapayak na anyo nito sa modernong kasabihan ng Ingles:

Lahat ng digma ay batay sa panlilinlang.
                                     

3.1. Impluwensya sa kultura Aplikasyon sa militar at intelihensya

Sa buong Silangang Asya, naging bahagi Ang Art of War sa silabo para sa mga potensyal na kandidato sa mga iksamen sa serbisyong militar.

Noong kapanahunang Sengoku s. 1467–1568, si Takeda Shingen, sinasabi na ang ipinangalang daimyō ng Hapones 1521-1515, ay halos di-mapaglabanan sa lahat ng mga giyera nang hindi umaasa sa mga baril, dahil pinag-aralan niya Ang Sining ng Pakikidigma. Binigyan din siya ng aklat ng inspirasyon para sa kanyang tanyag na pamantayang pang-labanan na "Fūrinkazan" na nangangahulugang kasimbilis ng hangin, kasintahimik ng gubat, kasimbangis ng sunog at kasintatag ng bundok.

Naglalaan ang tagasalin na si Samuel B. Griffith ng isang kabanata tungkol kina "Sun Tzu at Mao Tse-Tung" kung saan binanggit ang pagkaimpluwensiya Ang Sining ng Pakikidigma sa Tungkol sa Digmang Gerilya, Tungkol sa Pinahabang Digmaan at Mga Estratehikong Problema ng Rebolusyonaryong Giyera ng Tsina ni Mao, at isinama ang sipi ni Mao: "Hindi dapat natin minamaliit ang sinasabi sa aklat ni Sun Wu Tzu, ang dakilang dalubhasang militar ng sinaunang Tsina, Kilalanin ang iyong kaaway at kilalanin ang iyong sarili at makakapaglaban ka sa isang libong laban nang walang sakuna."

Sa panahon ng Digmaang Vietnam, pinag-aralan nang todo ng ilang mga opisyal ng Viet Cong Ang Sining ng Pakikidigma at diumano’y maaaring bumigkas ng mga buong sipi nang walang kodigo. Matagumpay na ipinatupad ni Heneral Võ Nguyên Giáp ang mga taktika na inilarawan sa Ang Sining ng Pakikidigma noong Labanan ng Dien Bien Phu na nagwakas sa pakikisangkot ng Pransya sa Indotsina at humantong sa mga pagkakasundong naghati sa Vietnam sa Hilaga at Timog. Isang masugid na mag-aaral at tagasunod ng mga ideya ni Sun Tzu si Heneral Võ na naging pangunahing komandanteng PVA ng militar sa Digmaang Vietnam sa kalaunan. Ang pagkatalo ng Amerika doon, higit sa anumang iba pang kaganapan, ay nagbigay-pansin sa mga pinuno ng teorya ng militar ng Amerika kay Sun Tzbau.

Itinatala ng Kagawaran ng Hukbong-Kati sa Estados Unidos, sa pamamagitan ng Kolehiyo ng Atasan at Pangkalahatang Kawani Ang Sining ng Pakikidigma bilang halimbawa ng aklat na maaaring itago sa aklatan ng isang pangkat-militar.

Nakalista Ang Sining ng Pakikidigma sa Propesyonal na Programa sa Pagbabasa ng Pultong-Marino na dating kilala bilang Talaan ng Babasahin ng Kumandante. Inirerekomenda ang pagbabasa nito sa lahat ng mga tauhan ng Intelihensyang Militar ng Estados Unidos.

Ginagamit Ang Sining ng Pakikidigma bilang materyal sa pagtuturo sa Akademya ng Amerikanong Militar sa West Point, sa kursong Diskarteng Militar 470, at inirerekomenda rin ang pagbasa nito sa mga kadeteng Maharlikang Alagad sa Maharlikang Akademyang Pangmilitar, Sandhurst. Nagsisabi ang ilang mga kilalang pinunong militar ng mga sumusunod tungkol kay Sun Tzu at Ang Sining ng Pakikidigma:

"Palagi akong may kopya Ang Sining ng Pakikidigma sa aking mesa," Heneral Douglas McArthur, 5 Star General & Kataas-taasang Kumandante ng mga Kaalyado.

"Nabasa ko Ang Sining ng Pakikidigma ni Sun Tzu. Patuloy-tuloy niyang naiimpluwensyahan ang mga kapwa sundalo at pulitiko." Heneral Colin Powell, Tagapangulo ng Magkakasamang Pinuno ng Kawani, Pambansang Tagapayo ng Seguridad, at Kalihim ng Estado.

Ayon sa ilang mga may-akda, pinag-aralan at ginamit nang ginamit ang diskarte ng panlilinlang mula sa Ang Sining ng Pakikidigma ng KGB: "Pipilitin ko ang kaaway na ipalagay ang aming kalakasan bilang kahinaan, at ang aming kahinaan para sa kalakasan, at sa gayon ay papalitan ang kanyang kalakasan ng kahinaan". Binanggit nang binanggit ang libro ng mga opisyal ng KGB na namahala sa mga pagpapatakbo ng disimpormasyon sa nobelang Le Montage ni Vladimir Volkoff. Ang Pinlandes na Punong Heneral Mannerheim at heneral Aksel Airo ay mga masugid na mambabasa Ang Sining ng Pakikidigma. Pareho nilang ibinasa ito sa wikang Pranses; itinago ni Airo ang salinwikang Pranses ng libro sa kanyang mesa sa tabi ng kama sa kanyang tirahan.



                                     

3.2. Impluwensya sa kultura Aplikasyon sa labas ng militar

Nailapat Ang Sining ng Pakikidigma sa mararaming larangan sa labas ng militar. Karamihan ng teksto ay tungkol sa kung paano maglaban nang di-kailangang makipaglaban: Nagbibigay ito ng mga payo kung paano malalampasan ang kalaban para hindi kailangan ang pisikal na labanan. Dahil dito, nagkaroon ito ng aplikasyon bilang isang gabay sa pagsasanay para sa mararaming paligsahan na walang paglalamas.

Binanggit Ang Sining ng Pakikidigma bilang impluwensya sa pinakaunang kilalang koleksyon ng mga kwento tungkol sa pandaraya karamihan sa larangan ng komersyo, Ang Aklat ng Panggagantso ni Zhang Yingyu Du pian xin shu 杜騙新書, s. 1617 na pinepetsahan sa huling bahagi ng dinastiyang Ming.

Kumuha ang maraming mga aklat pangnegosyo ng mga aralin na mula sa aklat at ginamit sa pulitika sa opisina at diskarte sa korporatibong negosyo. Sa maraming mga kumpanyang Hapon, kailangan basahin ang aklat ng kanilang mga pangunahing tagapagpaganap. Tanyag din ang libro sa mga kapisanan ng negosyo sa Kanluran na nagbabanggit sa halagang utilitaryano nito sa mga gawi sa pamamahala. Maraming mga negosyante at koproratibong tagapagpaganap ang nakasalalay rito para sa inspirasyon at payo kung paano magtagumpay sa mga mapagkumpitensyang sitwasyon sa negosyo. Inilapat din ang aklat sa larangan ng edukasyon.

Naging paksa Ang Sining ng Pakikidigma ng mga aklat panligal at artikulong ligal tungkol sa proseso ng paglilitis kabilang ang mga taktika sa negosasyon at diskarte sa paglilitis.

Nailapat din Ang Sining ng Pakikidigma sa palaro. Ang tagapagsanay ng National Football League na si Bill Belichick, ang may hawak ng rekord ng pinakamaraming panalo sa Super Bowl sa kasaysayan, ay nagpahayag sa maraming pagkakataon ng kanyang paghanga sa Ang Sining ng Pakikidigma. Aktibong ginamit ni Luiz Felipe Scolari, isang tagapagsanay ng putbol sa Brasil Ang Sining ng Pakikidigma para sa matagumpay na kampanya ng 2002 World Cup ng Brasil. Sa panahon ng torneo inilagay ni Scolari ang mga sipi mula sa Ang Sining ng Pakikidigma sa ilalim ng mga pintuan ng kanyang mga manlalaro sa gabi.

Madalas na sinisipi Ang Sining ng Pakikidigma habang binubuo ang mga taktika at/o diskarte sa mga Eletronikong Palaro. Bilang halimbawa, ang isa sa mga pangunahing aklat tungkol sa e-laro, Play To Win Maglaro para Manalo" ni David Sirlin, isang alumno ng Instituto ng Teknolohiya ng Massachuesetts, ay isang pagsusuri tungkol sa mga posibleng aplikasyon ng mga ideya mula sa Ang Sining ng Pakikidigma sa modernong Eletronikong Palaro. Ipinalabas Ang Sining ng Pakikidigma noong 2014 bilang e-aklat kasama ng Art of War DLC para sa Europa Universalis IV, isang larong diskarte sa PC ng Paradox Development Studios na may paunang salita mula kay Thomas Johansson.

                                     

3.3. Impluwensya sa kultura Pelikula at telebisyon

Natukoy at nasipi ang Sining ng Pakikidigma at si Sun Tzu sa ibat ibang mga pelikula at palabas sa telebisyon. Sa pelikulang Wall Street 1987, tinukoy nang tinukoy ni Gordon Gekko Michael Douglas Ang Sining ng Pakikidigma habang nagpapayo sa kanyang batang protehido na si Bud Fox Charlie Sheen. Sa mga huling yugto ng pelikula, binanggit ni Fox si Sun Tzu mismo habang inilarawan ang kanyang plano sa pagbitag kay Gekko.

Sa telebisyon, pinakapopular na isinangguni Ang Sining ng Pakikidigma sa The Sopranos. Sa ika-3 yugto, episodyo 8 He is Risen ", iminumungkahi ni Dra. Melfie kay Tony Soprano na basahin niya ang aklat. Nang maglaon sa episodyo, sinabi ni Tony kay Dra. Melfie na nahanga siya kay Sun Tzu at sinabing "Narito ang taong ito, isang Tsinong heneral na sumulat nito 2400 taong nakalilipas, at ang karamihan nito ay malalapat pa rin ngayon!" Agad-agad pagkatapos ng episodyo ng The Sopranos, pumailanglang ang benta Ang Sining ng Pakikidigma.

                                     

4.1. Talasanggunian Karagdagang pagbabasa

  • Mair, Victor H. 2007. The Art of War: Sun Zis Military Methods. New York: Columbia University Press. ISBN 978-0-231-13382-1.
  • Graff, David A. 2002. Medieval Chinese Warfare, 300-900. Warfare and History. London: Routledge. ISBN 978-0415239554.
  • Griffith, Samuel 2005. Sun Tzu: The Illustrated Art of War. New York: Oxford University Press. ISBN 978-0195189995.
  • Вєдєнєєв, Д. В.; Гавриленко, О. А.; Кубіцький, С. О. 2017. Остроухова, В. В. ed. Еволюція воєнного мистецтва: у 2 ч.
  • Gawlikowski, Krzysztof; Loewe, Michael 1993. "Sun tzu ping fa 孫子兵法". In Loewe, Michael ed. Early Chinese Texts: A Bibliographical Guide. Berkeley: Society for the Study of Early China; Institute of East Asian Studies, University of California, Berkeley. pp. 446–55. ISBN 978-1-55729-043-4.
  • Smith, Kidder 1999. "The Military Texts: The Sunzi". In de Bary, Wm. Theodore ed. Sources of Chinese Tradition: From Earliest Times to 1600, Volume 1 2nd ed. New York: Columbia University Press. pp. 213–24. ISBN 978-0-231-10938-3.
  • Lewis, Mark Edward 1999. "Warring States Political History". In Loewe, Michael; Shaughnessy, Edward eds. The Cambridge History of Ancient China. Cambridge: Cambridge University Press. pp. 587–650. ISBN 978-0-521-47030-8.
  • Yuen, Derek M. C. 2014. Deciphering Sun Tzu: How to Read The Art of War. Oxford University Press. ISBN 9780199373512.
                                     
  • tao at pakikidigma sa kapuluan na ngayon ay tinatawag na ang Pilipinas. umunlad ang pakikidigma ng mga Pilipino bilang isang tuwirang bunga ng pagpapahalaga
  • Silangang Zhou ng sinaunang Tsina. Kinaugaliang kinikilala si Sun Tzu bilang may - akda ng Ang Sining ng Pakikidigma isang maimpluwensyang akda ng estratehiyang
  • ng mga hayop at pakikidigma Ngayon, isa na itong larangang pampalakasan. Ang manlalaro ng pampalakasang ito ay tinatawag na mamamana archer at ang
  • Sa kabuuan ng Middle Ages, pakikidigma at lipunan ay pinakinang ng mga kabalyero, pinaganda sa pamamagitan ng mga Kabalyero o knights. Ang mga Kabalyero
  • kalagayan ng pag - atras ng mga hukbo ni Alejandro. Pumasok ang Tsina sa ika - 4 na dantaon BC sa isang panahon ng patuloy na pakikidigma na kilala bilang ang panahon
  • Ipinapalagay ng mga Bizantino ang diplomasya bilang isang uri ng pakikidigma sa ibang kaparaanan hindi madugo. Ang kawanihang Barbaro ang unang ahensiyang pantiktik
  • pagitan ng mga patricio aristokrata at mga plebo maliit na may - ari ng lupa at sa pamamagitan ng patuloy na pakikidigma laban sa mga populasyon ng gitnang
  • 1914 - 18 Nakilahok ang sandatahang lakas ng UK sa pakikidigma sa magkabilaang dulo ng Sasakhari nito at sa maraming danay ng Europa, lalo na sa Kanluraning


                                     
  • aspeto ng sining at agham na makikita sa kabuuan ng ahedres at teoriya. Ipinamamahagi rin ang ahedres bílng isang daang nagpapainam sa kakayahan ng diwa
  • ang bansa laban sa mga sundalong Dutch, na pinamumunuan ni Admiral Oliver Van Noort. Ngunit dahil sa kakaunting kaalaman ni de Morga sa pakikidigma
  • pinag - isa ni Muhammad ang mga tribo sa ilalim ng konstitusyon ng Medina. Pagkatapos ng walong taon ng pakikidigma sa mga tribo sa Mecca, ang kanyang mga tagasunod
  • pinag - isa ni Muhammad ang mga tribo sa ilalim ng konstitusyon ng Medina. Pagkatapos ng walong taon ng pakikidigma sa mga tribo sa Mecca, ang kanyang mga tagasunod
  • sinasabi bilang kanyang guro sa sining ng pakikidigma Dahil sa mga kaugnayan nya sa iba t ibang mga sikat na angkan at ang kanyang personal na abilidad
  • karapatan ng mga gay Makatarungang pakikidigma teoriya ng Etika sa Medisina Etika ng Utilitariano Biyo - etika ng Utilitariano Nailapat na ang etika sa
  • Disyembre 1941, inatake ng Hapon ang Pearl Harbor sa Hawaii. Pagkatapos ng apat na araw, ang pormal na deklarasyon ni Hitler ng pakikidigma laban sa Estados
  • kaugalian, itinuring ng mga Tsino na barbaro ang mga Mongol Bumaba ang kakayahan ng mga Mongol sa pakikidigma Ang ilan ay gumamit ng alipin sa pagsasaka
  • bumuo ng isang kulturang kumalat sa buong Europa at minarkahan ang paglipat mula sa Gitnang Kapanahunan tungo sa modernidad. Ang mga tagataguyod ng isang

Users also searched:

ang sining ng pakikidigma, mga pangyayari ayon sa panahon. ang sining ng pakikidigma,

...

Encyclopedic dictionary

Translation
Free and no ads
no need to download or install

Pino - logical board game which is based on tactics and strategy. In general this is a remix of chess, checkers and corners. The game develops imagination, concentration, teaches how to solve tasks, plan their own actions and of course to think logically. It does not matter how much pieces you have, the main thing is how they are placement!

online intellectual game →