Back

ⓘ Makiling, Calamba. Ang Makiling ay isang barangay sa mataas na bahagi Calamba sa lalawigan ng Laguna, Pilipinas. Ipinangalan ayon sa lokasyon nito sa paanan ng ..



Makiling, Calamba
                                     

ⓘ Makiling, Calamba

Ang Makiling ay isang barangay sa mataas na bahagi Calamba sa lalawigan ng Laguna, Pilipinas. Ipinangalan ayon sa lokasyon nito sa paanan ng Bundok Makiling, ang pinakamataas na bundok sa lalawigan ng Laguna.

Ang Barangay Makiling ang pinakadulong barangay ng Calamba na patungo sa Batangas. Ang kahabaan ng barangay ay nagmumula sa kinatatayuan ng Island Gas sa National Highway hangang sa malaking tulay na pinakahangganan ng Lungsod ng Sto. Tomas sa Batangas.

Noong mahawan ang kagubatan at makita ang malulusog na pananim ng mga magsasaka, tinawag itong lugar na San Isidro. Ito ay dahil sa si San Isidro Labrador ang patron ng mga magsasaka. Pinagkaisahan ng mga naunang nanirahan na si San Isidro ang kanila na ring maging patron.

Subalit noong maglaon, unti-unting nanaig sa mga taong dumaraan dito ang katawagang Makiling dahil sa kapansin-pansin ang maraming kiling o "ridges" ng bundok Makiling.

                                     

1. Pinagmulan

Ayon sa salit saling kuwento ng mga matatanda, ang Barangay Makiling noong panahon ng Kastila ay isang malawak na kagubatan. Maraming hayop gubat na tulad ng matsing, usa, baboy ramo at mga labuyo dito noon. Tatlong pamilyang Batangueño pa lamang ang naninirahan dito. Dumami nang dumami ang mga taga-Batangas na naninirahan dito dahil sa angkop ang lugar na ito sa pagsasaka.

Isa sa mga naunang nanirahan na naging maunlad ang pamumuhay ay si G. Antonio Castillo. Siya ang kauna-unahang nakapagpatayo ng iluhan ng tubo at lutuan ng asukal. Dahil dito, maraming tagarito ang nagsipagtanim ng tubo at nagbili ng asukal.

Nang sumiklab ang rebolusyon noong 1896, maraming tagarito ang sumanib sa katipunan at lumaban sa mga Kastila.

                                     

1.1. Pinagmulan Panahon ng Amerikano

Malaki ang ipinagbago ng barangay nang dumating ang mga Amerikaho. Noong mga taong 1911 hanggang 1920, naganap ang pagpapaayos at pagpapaluwag ng mga kalsada sa buong Pilipinas. Ipinagawa ang mga daang riles.

Buhay sa Calamba, naglagay ng riles patungo sa Batangas. Nagkaroon ng istasyon ng tren sa Barangay Makiling. Magmula rin sa Calamba, pinaluwang ang kalsada patungong Batangas na dumaraan sa barangay. Dahil dito, lalong bumilis ang pagdadala ng mga produkto sa mga pamilihan kaya naging mabilis din ang pag-unlad ng kabuhayan sa barangay.

                                     

1.2. Pinagmulan Pagawaan ng Asukal

Ang Barangay Makiling ay isa sa nayon ng Calamba na gumagawa ng asukal.

Ang paggawa ng asukal noon ay ginagamitan ng iluhan. Ito ay mga bilog na bato na kasinlaki ng bariles na iniipit ang tubo upang mapiga. Ang katas ay pinapaagos naman sa lutuang kawa. Pito ang kawang pinaglilipat-lipatan ng puyaw hanggang maging asukal. Ang iluhan ay pinaiikot ng nakasingkaw na kalabaw o baka sa mahabang baras.

                                     

1.3. Pinagmulan Unang Paaralan

Sa panahon din ng Amerikano nagsimula ang pagtatag ng paaralan sa barangay na ito.

Dahil sa malayo ang paaralan ng mga batang mag-aaral at hirap sa paglalakbay mula sa nayon hanggang sa Tanauan sa Batangas at sa Calamba, sinikap ng Tiniente del Barrio na si G. Teodoro Macatangay na maitatag ang paaralan sa nayon. Binuksan ang unang paaralan sa unang baitang sa tahanan ni G. Antonio Castillo. May 38 batang mag-aaral ang tinuruan ng unang guro na si Bb. Elisa Arambulo.

Pagkatapos ng isang taong ay sinikap ni G. Teodora Macatangay at Bb. Elisa Arambulo na makapagpatayo ng sariling paaralan para sa nayon. Nahimol nila si G. Antonio Dimayuga na magdonasyon ng lupa na may sukat na 6.930 metro kuwadrado.

Noong 1939, dalawang silid aralan ang binuksan.

                                     

1.4. Pinagmulan Panahon ng Hapon

Ang Barangay Makiling ay isa sa mga nayon noong panahon ng Hapon na pinagpugaran ng mga guerilla. Malimit dito magtago ang mga guerilla ng ibat ibang pangkat mula sa Calamba at Sto. Tomas sa Batangas. May kalalakihang taga-Makiling na sumapi sa kilusang guerilla. Ito ay pinamunuan noon ni Tiniente Marcos Oruga

                                     

1.5. Pinagmulan Panahon ng Kasarinlan

Noong muling magbalik ang mga Amerikano sa Pilipinas, binuksan agad ang mababang paaralan ng Makiling. Noong 1952, ang turo dito ay hanggang ikalimang baitang lamang. Noong 1961, ang paaralan ay naging ganap na elementarya. Noong 1962, nagkaroon ng unang pagtatapos.

Noon namang 1974, ang mataas na paaralan ng Makiling ay binuksan sa pagsusumikap nina G. Jose Mulinyawe, Atty. Ireneo Castillo, at. G. Engracio Piamonte. Ang unang guro ay si Gng. Evelina Baricanosa. Ang punong guro ay si Gng. Potenciana Hosmillo.

Nagsimula ang mataas na paaralan ng Makiling bilang Makiling National High School na may apat na taon para sa sekundarya. Noong 2017, bilang isa sa mga paaralang naunang nagpatupad ng kurikulum na K to 12 sa Sangay ng Lungsod ng Calamba, nagkaroon ito ng programang pang-Senior High School kayat gaya ng iba pang mga naunang nagpatupad na paaralan, nabago ang pangalan nito at ngayoy tinatawag nang Makiling Integrated School.



                                     

2. Edukasyon

Pre-Elementarya at Elementarya

  • Makiling Elementary School
  • Joy Christian Light House Academy
  • Immaculate Conception Catholic School - Calamba

High School at Senior High School

  • Makiling Integrated School dating Makiling National High School
                                     

3. Heograpiya

Ang Barangay Makiling ay malawak. May bahaging mabundok at mayroon ding patag. Ang hilagang hangganan nito ay nagmumula sa bakod ng Island Gas at ang timog na hangganan ay ang sapang dumurugtong sa Ilog San Juan kung saan may malaking tulay at arko na nagsisilbi namang bukana ng lalawigan ng Batangas sa bayan ng Sto. Tomas. Sa hilaga ng Barangay Makiling ay ang Barangay Milagrosa. Sa kanlurang baybay ng Ilong San Juan ay ang Barangay Ulango at Kay-Anlog. Sa Hilagang silangan ng Barangay Makiling ay ang Barangay Saimsim, Camaligan at Puting Lupa. Sa timog ng Barangay Makiling ay ang Barangay Sta. Anastacia sa Lungsod ng Sto. Tomas, sa Batangas.

                                     
  • Ang Makiling Integrated School ay isang pampublikong paaralang pansekundarya. Ito y matatagpuan sa Barangay Makiling Calamba City, Laguna. Ito y itinatag
  • Ang Lungsod ng Calamba o sa simpleng, Calamba ay isang unang klaseng lungsod sa lalawigan ng Laguna, Pilipinas. Ito ay nasa layong 54 kilometro sa timog
  • Punta sa Hilaga at, Makiling at Tulo sa Silangan na hinihiwalay ng Ilog San Juan. Ang mga nabanggit na mga barangay ay pawang nasa Calamba maliban sa Laurel
  • lugar katulad ng Bundok Makiling malapit sa Los Baños, Laguna at Bulkang Taal sa Batangas., Ang mga lungsod ng Lucena, Calamba at Tagaytay ang mga nahirang
  • barangay sa Calamba Laguna, na matatagpuan sa Manila South Rd - Calamba National Highway. Isa ito sa pinakamatandang barangay sa bayan ng Calamba Makasaysayan
  • Tagaytay ay isa sa mataas na lugar sa Calabarzon, tulad nang Bundok Makiling sa Calamba Laguna, Bundok Makulot sa Cuenca, Batangas at Bundok Banahaw sa
  • kinakailangang palawakin ang kakayahan nito. Calamba - Brgy. 1, Calamba Makiling - Brgy. Makiling Calamba Santo Tomas - Santo Tomas Tanauan - Tanauan
  • sa timog at timog kanluran ng Bundok Makiling sa hilaga ng Look ng Bay, sa hilagang kanluran ng Lungsod ng Calamba at sa Silangan ng bayan ng Bay. Ang
  • Paete at Pakil, ang mga maiinit na bukal sa Los Baños sa gulod ng Bundok Makiling at ang Hidden Valley Springs sa Calauan. Isa pang tradisyon ng Laguna


                                     
  • bago ang Espanyol nang ang apat na malalaking baryo na nakagapos ng Mount Makiling ay sumulat ng Sampalok Noong 1571, ang unang tropa ng Espanya sa ilalim
  • Bay. Kabilang sa mga kalapit na bundok mula sa Mount Sungay ang Mount Makiling sa hangganan ng Laguna - Batangas Mount Malepunyo at Mount Macolod sa Batangas
  • Arayat Bundok Banahaw Bundok Halcon Bundok Iriga Bundok Isarog Bundok Makiling o Makiling Bundok Pinatubo Bundok Pulag o Bundok Pulog Chocolate Hills Cordillera
  • Lipa Bank Lipa Public Bank Lobo Rural Bank Malarayat Rural Bank Mount Makiling Rural Bank New Rural Bank of Agoncillo President Jose P. Laurel Rural Bank

Users also searched:

makiling, calamba, panahon ng bato. makiling, calamba,

...

Encyclopedic dictionary

Translation
Free and no ads
no need to download or install

Pino - logical board game which is based on tactics and strategy. In general this is a remix of chess, checkers and corners. The game develops imagination, concentration, teaches how to solve tasks, plan their own actions and of course to think logically. It does not matter how much pieces you have, the main thing is how they are placement!

online intellectual game →