Back

ⓘ Kalinangang Wessex. Ang kalinangang Wessex ay ang pangunahing sinaunang kalinangan noong panimula ng Panahon ng Tansong Pula sa kalagitnaan at katimugang Britan ..



Kalinangang Wessex
                                     

ⓘ Kalinangang Wessex

Ang kalinangang Wessex ay ang pangunahing sinaunang kalinangan noong panimula ng Panahon ng Tansong Pula sa kalagitnaan at katimugang Britanya. Ito ay unang tinukoy ng isang arkeolohistang Briton na si Stuart Piggott noong 1938. Ito ay hindi dapat ipagkamali sa kalaunang kahariang Sahon ng Wessex.

May kaugnayan ito sa kalinangang Hilversum ng katimugang Olandes, Belhika, at ng kahilagaang Pransya. Magkatugnay rin ito sa mga armorikang puntod ng kahilagaang Pransya, huwaran ng pangkat ng Gitnang Rin ng kalinangang basong imbudo, at kalimitang hinahati sa magkasunurang mga yugto ng Wessex I 2000-1650 BKP at Wessex II 1650-1400 BKP. Ang Wessex I maiiugnay sa mga huling yugto ng pagtatayo at paggamit ng Stonehenge.

Noong una ay inililibing nila ang kanilang mga yumao sa isang puntod ngunit kalaunay sinusunog nila ang mga ito kasama ang ari-ariang pampuntod. Masasabing mayroon silang malawak na pakikipagkalakalan sa kalupalupang Europa, na kung saan inaangkat nila ang mga marilaw galing ng Baltiko, mga alahas na nagmumula sa ngayong Alemanya, ginto galing sa Bretanya, pati na rin ang mga punyal at abaloryo na nagmumula pa sa Misenikang Gresya. Ipinalalagay na naging pangunahing ugnayan ng kalakal ang Wessex sa pagitan ng Wawa ng Severn dahil sa pahatiran sa pamamagitan ng ilog. Ang pakinabang ng pangagalakal na ito ang marahil ang nagbigay-daan upang matapos ng Wessex ang pagtayo ng Stonehenge sa ikalawa ang ikatlong megalitikong mga yugto nito. Ipinapakita rin nito na ang Wessex may matatag na lipunan.

Noong panimula ng pananaliksik sa sinaunang kasaysayan ng Britanya, nabuo ang katawagang Kalinangang Wessex at ang mga naitalang paglilibing sa Wessex ay mayabong sa panitikan ng Panahon ng Tansong Pula. Noong ika-20 dantaon, marami pa ang naidagdag sa talaan ng paglilibing sa Panahon ng Tansong Pula at malaki ang nabago sa mga palagay ukol sa katangian ng panimula ng gitnang Panahon ng Tansong Pula. Simula noong mga huling ika-20 dantaon, sa halip na isang hiwalay na panlipunang pangkat, nakaugalian na ang Kalinangang Wessex ay itinuturing na maliit na panlipunang saray lamang, lalo pat tinutukoy nito ang daan-daang mga puntod na may mayayamang kasangkapan sa Wiltshire. Subalit ang panlipunang pangkat ay itinuturing na isa sa mga mabalagsik na pangkat ng Basong Imbudo ng Irlanda.

                                     

1. Sanggunian

  • Piggott, S 1938. The Early Bronze Age in Wessex, Proc. Prehist. Soc. 4, 52-106.
  • Coles, J M and J Taylor 1971. The Wessex Culture, a minimal view, Antiquity 45, 6-14.
  • Piggott, S 1973. The Wessex culture of the Early Bronze Age, Victoria County History Wiltshire I ii, 352-75.

Users also searched:

kalinangang wessex, mga sinaunang kabihasnan. kalinangang wessex,

...

Encyclopedic dictionary

Translation
Free and no ads
no need to download or install

Pino - logical board game which is based on tactics and strategy. In general this is a remix of chess, checkers and corners. The game develops imagination, concentration, teaches how to solve tasks, plan their own actions and of course to think logically. It does not matter how much pieces you have, the main thing is how they are placement!

online intellectual game →