Back

ⓘ Ati-Atihan. Ang Pistang Ati-Atihan ay isang pistang Pilipino na ginaganap taun-taon sa Enero sa karangalan ng Santo Niño sa mga iilang bayan sa lalawigan ng Akl ..



Ati-Atihan
                                     

ⓘ Ati-Atihan

Ang Pistang Ati-Atihan ay isang pistang Pilipino na ginaganap taun-taon sa Enero sa karangalan ng Santo Niño sa mga iilang bayan sa lalawigan ng Aklan, Panay. Nagaganap ang pinakamalaking pagdiriwang sa ikatlong Linggo ng Enero sa bayan ng Kalibo, ang kabisera ng lalawigan. Ang katagang Ati-Atihan ay nangangahulugang "tularan ang Ati", ang katutubong pangalan para sa mga Aeta, ang mga unang nakipamayan sa Panay at mga iba pang bahagi ng kapuluan. Noong una, ang pista ay isang paganong pagdiriwang upang alalahanin ang Palitan ng Panay, kung saan nagtanggap ang mga Aeta ng mga regalo mula sa mga Borneanong Datu, na tumakas kasama ng kani-kanilang mga pamilya mula sa isang malupit na pinuno, kapalit ng pahintulot na makatira sa mga lupain ng mga Aeta. Nagdiwang sila sa pamamagitan ng sayaw at musika, at pininturahan ng mga Borneo ang kani-kanilang katawan gamit ang uling upang ipakita ang kanilang pasasalamat at pakikipagkaibigan sa mga Aeta na may maiitim na balat. Nang maglaon, binigyan ang pista ng ibang kahulugan ng simbahan - ang pagdiwang ng pagtanggap ng Kristiyanismo, na isinasagisag ng pagkarga ng imahe ng Santo Niño sa panahon ng prusisyon.

Binubuo ang pista ng mga rehiliyosong prusisyon at parada sa kalsada, na nagpapakita ng mga karosang may tema, mga grupo ng mananayaw na nakasuot ng mga makukulay na damit, mga bandang nagmamartsa, at mga taong may pintura sa mukha at katawan. Kilala ang parada sa kalsada bilang "Sadsad", na ginagamit din ng mga tagaroon bilang kataga para sa kanilang paraan ng pagsasayaw kung saan ang paa ay sandaling kinakaladkad sa sahig sa tunog ng bandang nagmamartsa. Kahit binigyan ang pista ng maka-Kristiyanong kahulugan, patuloy pa rin ang kaugalian ng mga taong magpinta ng kani-kanilang mukha at katawan bilang parangal sa mga Aeta. Nakibabahagi ang mga Kristiyano at di-Kristiyano sa pagdiriwang na nakaaakit ng mga turista mula sa ibat ibang bahagi ng bansa pati na rin ang mga banyaga. Naging inspirasyon ito sa mga ibang Pistang Pilipino, kabilang dito ang Sinulog ng Cebu at Dinagyang ng Lungsod ng Iloilo, at pinamagatang "Ang Ina ng Lahat ng mga Pistang Pilipino".

                                     
  • Pilipinas na ginaganap tuwing ika - 4 na linggo ng Enero. Inihahambbing ito sa Ati - Atihan ng Aklan at sa Sinulog ng Cebu. Isa ito sa higit na kilalang kapistahan
  • bilang ng mga katutubong Ati o Aeta na sumama sa kauna - unahang misa sa lalawigan, kung saan nagmula rin ang pista ng Ati - atihan Maaaring mapuntahan ang
  • ang kulam ng maraming tao dito. Kilala ang lalawigan sa taunang Pistang Ati - Atihan sa Kalibo, na kadalasang ginaganap tuwing ikatlong linggo ng Enero. Ang
  • ni Rizal Pagaklas sa Makati noong 2003 Halalan ng Pilipinas noong 2004 Ati - atihan Binirayan Piyesta sa Obando Santacruzan Piyesta sa Moriones Pahiyas Sinulog
  • Nakuha noong 12 Abril 2012. Villar inaugurates Kalibo Bridge in time for Ati - atihan festival Department of Public Works and Highways. Philippine Information
  • ninuno ng mga Bisaya. Ang pagdating nila ay pinagdiriwang sa pista ng Ati - atihan sa Kalibo, Aklan. Bagama t ito ay isang alamat, base pa rin ito sa mga
                                     
  • kapistahan sa ganitong mga uri ng pagdiriwang. Kabilang sa mga ito ang Pasko, Ati - Atihan Mahal na Araw, Pahiyas sa Quezon Santakrusan, Pista ng Peñafrancia
  • Pugot. Sa pulo ng Panay, mas kilala sila bilang mga Ati ang pinagmulan ng pagdiriwang na Ati - Atihan Sa Gitnang Kabisayaan, kilala sila sa katawagang Ata
  • ng mga Bisaya at Pilipino sa pangkalahatan, sa pamamagitan ng Pistang Ati - Atihan ng Aklan, Pistang Dinagyang ng Iloilo, at kapistahang Sinulog ng Santo
  • Buwan Pagdiriwang Pook Enero Ati - Atihan Kalibo, Aklan Sinulog Cebu Dinagyang Iloilo Dinagsa Cadiz, Negros Occidental Coconut San Pablo, Laguna Hinugyaw
  • Ati - Atihan 1981 Akriliko sa nakatahi at pininong lona.
  • Kabankalan Negros Occidental The Rising City of the South Kalibo Aklan Ati - Atihan Town La Carlota Negros Occidental Home of Negros Island s Our Lady of

Users also searched:

ati-atihan, pasasalamat. ati-atihan,

...

Encyclopedic dictionary

Translation
Free and no ads
no need to download or install

Pino - logical board game which is based on tactics and strategy. In general this is a remix of chess, checkers and corners. The game develops imagination, concentration, teaches how to solve tasks, plan their own actions and of course to think logically. It does not matter how much pieces you have, the main thing is how they are placement!

online intellectual game →