Back

ⓘ Lapastangang pananalita sa Tagalog. Ang lapastangang pananalita sa Tagalog ay maaaring tumukoy sa napakaraming uri ng mga nakakasakit, mapanirang-puri, at ipina ..



Lapastangang pananalita sa Tagalog
                                     

ⓘ Lapastangang pananalita sa Tagalog

Ang lapastangang pananalita sa Tagalog ay maaaring tumukoy sa napakaraming uri ng mga nakakasakit, mapanirang-puri, at ipinagbabawal na salita o kasabihan sa wikang Tagalog ng Pilipinas. Dahil sa kultura ng Pilipinas, ang mga pananalita na waring maamo kapag isinalinwika sa Ingles ay maaaring makasakit sa iba; habang ang iilang kasabihang ikinasasakit ng mga nagsasalita ng Ingles ay waring maamo sa mga nagsasalita ng Tagalog. Ang Filipino, ang pambansang wika ng Pilipinas, ay ang pamantayang rehistro ng Tagalog, kaya ginagamit minsan ang mga kataga gaya ng lapastangang pananalita sa Filipino at pagmumura sa Filipino.

Sa kontekstong relihiyoso o pormal, tinatawag itong lapastangang pananalita o pag-alipusta/panlalait. Minsan, ginagamit ang salitang paghamak sa pormal na konteskto. Sa kontekstong kolokyal, ginagamit ang mga salitang mura at sumumpa.

Dahil sa kasunod-sunod na kolonyal na pamamahala ng mga Kastila at Amerikano, may etimolohiya ang karamihan ng mga pag-aalipusta sa Tagalog sa lapastangang pananalita ng mga wikang Europeo.

Di-gaya ng Kanluraning kultura, kung saan hindi kailanmang katanggap-tanggap ang mga iilang salita sa lahat maliban sa mga pinakaimpormal na konteksto, sensitibo sa konteksto ang mga mura sa Tagalog: ang mga salitang itinuturing bilang bastos o nakakainsulto sa isang konteksto ay maaaring tanggapin sa ibang konteksto.

Users also searched:

lapastangang pananalita sa tagalog, mga kultura. lapastangang pananalita sa tagalog,

...

Encyclopedic dictionary

Translation
Free and no ads
no need to download or install

Pino - logical board game which is based on tactics and strategy. In general this is a remix of chess, checkers and corners. The game develops imagination, concentration, teaches how to solve tasks, plan their own actions and of course to think logically. It does not matter how much pieces you have, the main thing is how they are placement!

online intellectual game →