Back

ⓘ Hololive Production. Ang Hololive Production ay isang ahensiyang pantalento para sa mga virtual Youtuber na nakabase sa bansang Hapón. Pagmamay-ari ng kumpanyan ..



                                     

ⓘ Hololive Production

Ang Hololive Production ay isang ahensiyang pantalento para sa mga virtual Youtuber na nakabase sa bansang Hapón. Pagmamay-ari ng kumpanyang Cover Corp., nabuo ang naturang produksiyon noong Disyembre 2019 matapos pagsamahin ang ahensiya para sa mga babae na Hololive at ang panlalaking bersyon nitong Holostars gayundin sa tatak pangmusika na INoNaka Music. Malaki-laki ang bilang ng mga VTuber na nasa ilalim nito, kung saan kabilang rito ang mga sikat na VTuber na sina Inugami Korone, Shirakami Fubuki, Usada Pekora, Minato Aqua, at Gawr Gura. Di tulad ng mga naunang halimbawa ng isang VTuber, nagdadaos ang Vtuber nito ng livestream imbes ng mga nakarekord na klip. Madalas sumesentro sa paglalaro ang nilalaman ng mga bidyo nito, bagamat nagla- livestream rin sila ng pagkanta at pakikipag-usap.

Ang katagang Hololive ay unang tumutukoy sa app ng Cover para sa pag-stream ng mga birtwal na karakter gamit ang augmented reality AR, at kalaunan sa ahensiya nito para sa mga babaeng VTuber. Pagsapit ng 2020, may tatlong sangay ito para sa tatlong rehiyon, Hololive China CN, Hololive Indonesia ID, at Hololive English EN. Binuwag ang Hololive China noong Nobyembre 2020.

Noong Setyembre 2020, ang mga tsanel na nasa ilalim nito ay nakakuha na ng kabuuang 10 milyong subskripsyon sa Youtube at sa katumbas nito sa Tsina na Bilibili.

                                     

1. Kasaysayan

Itinatag noong ika-13 ng Hunyo 2016 ni Motoaki "Yagoo" Tanigo ang kumpanyang Cover Corp. Bago ito, gumawa muna si Tanigo ng mga karakter sa larong nakabidyo video games bilang kolaborasyon sa kumpanyang Sanrio sa kumpanyang Imagineer; nagtatag din siya ng maraming mga panimulang kumpanya. Orihinal na nakapokus ang Cover sa paggawa ng mga software pang- augmented reality AR at virtual reality VR. Nakakuha sila ng panimulang pera mula sa isang Tokyo VR Startups. Noong Pebrero 2017, naglabas ang Cover ng isang VR na larong table tennis para sa headset na HTC Vive sa Steam. Pagsapit ng dulo ng Marso, nagpakita ang Cover ng isang demo sa teknolohiya para sa isang programang nagpepermiso sa pagkukuha ng galaw nang totoong oras realtime motion capture at interaktibong magkabilaang pagla-livestream.

Ayon kay Tanigo, nakuha nila ang konsepto ng isang ahensiyang para sa mga "birtwal na YouTuber" sa mga birtwal na karakter na sina Kizuna AI at Hatsune Miku.

                                     

1.1. Kasaysayan 2017–18: Simula

Pinag-debut ng Cover si Tokino Sora, ang kauna-unahang VTuber na gumamit sa software ng kumpanya, noong ika-7 ng Setyembre 2017. Noong ika-21 ng Disyembre ng taóng ding iyon, inilabas ng Cover ang Hololive, isang app sa mga smartphone para sa iOS at Android na nagpapahintulot sa mga tagagamit nito na makita ang livestream ng mga naka-3D na birtwal na karakter gamit ang teknolohiya na kamerang AR. Isang araw pagkatapos, inanunsyo ng Cover na magdadaos sila ng isang odisyon para sa pangalawa nilang karakter sa Hololive, si Roboco, na magde-debut sa ika-4 ng Marso 2018.

Noong ika-5 ng Abril 2018, naglabas ng update ang Cover, kung saan tinanggal nila ang mga tampok nitong AR, pero nagdagdag naman ng isang kakayahang makopya ang galaw ng mukha ng tagagamit at ilapat ito isa sa apat na avatar nang sabay. Noong ding araw na iyon, sinabi ng Cover na magkakaroon muli ng isang odisyon para sa isang bagong talento.

Binuksan ang odisyon para sa limang bagong karakter simula noong ika-2 ng Mayo 2018 sa app mismo ng Hololive. Ang limang ito ay sina Aki Rosenthal, Hitomi Chris, Shirakami Fubuki, Akai Haato, at Natsuiro Matsuri. Noong ika-13 ng Mayo, pinag-debut ng Cover si Yozora Mel, habang pinag-debut naman nila ang iba pang mga unang henerasyong talento nila mula ika-1 hanggang ika-3 ng Hunyo. Noong ika-26 ng Hunyo, kinansela ng Cover ang trabaho at tsanel ni Hitomi Chris dahil sa paglabag sa kontrata.

Nagsimulang magsipag-debut ang mga ikalawang henerasyong talento mula Agosto, kung saan nag-debut sina Minato Aqua noong ika-8 ng Agosto at Murasaki Shion noong ika-18 ng Agosto. Sinundan sila nina Nakiri Ayame noong ika-3 ng Setyembre, Yuzuki Choco noong ika-4 ng Setyembre, at Oozora Subaru noong ika-16 ng Setyembre. Pinag-debut ng Cover si AZKi, isang VTuber na hiwalay sa Hololive at nakapokus sa paggawa ng musika, noong ika-15 ng Nobyembre.

Noong ika-6 ng Disyembre, inilunsad ng Cover ang Hololive Gamers, isang grupo ng mga VTubers na partikular na gumagawa ng mga bidyong lets play at pinangungunahan ni Shirakami Fubuki ng unang henerasyon. Kinabukasan, sumali rin si Ookami Mio, at magkasamang silang lumabas ni Fubuki sa isang bidyong in-upload sa pangunahing tsanel sa YouTube ng Cover noong ika-19 ng Disyembre para mapakita ang bagong update sa Hololive na nagpapahintulot ng mga kolaborasyon. Noong Pasko, ika-25 ng Disyembre, pinag-debut ng Cover si Sakura Miko, na bibida sa isang pang-araw-araw na serye ng mga anime short na pinamagatang Miko no Tsutome! sa ilalim ng bagong nilang tatak na Holo Anime ホロアニメ.

                                     

1.2. Kasaysayan 2019: Paglago at muling pag-organisa

Noong Enero 8, 2019, inanunsyo ng Hololive na pumirma sila ng kontrata sa Tsinong platapormang-bidyo Bilibili at sa naturang pook-sapot na iyon, nagbukas ng mga 15 na tsanel, at magkasabay ito mag-stream doon at sa YouTube. Kasali na dito ang pagkikipagtulungan sa mga boluntaryo nagsasalita ng wikang Tsino upang isalin ang mga content ng Hololive, at gumawa ng orihinal na content sa Bilibili. Nagsali ang dalawang bagong kasapi sa Hololive Gamers noong Abril: si Nekomata Okayu sa Abril 6, at si Inugami Korone sa Abril 13. Sa Mayo 17, nagbukas ng mga permanenteng audisyon sa Tsina at Hapon ang Hololive.

Ginawa ang INoNaKa INNK Music, isang tatak musikang in-house ng Cover, noong Mayo 19. Nagmula ito kay AZKi at ang dating independienteng VTuber na si Hoshimachi Suisei. Sinimulan ang lalaking ahensiyang VTuber na pinangalanang Holostars at sinundan nito ang ika-1 henerasyong miyembrong nito: sina Hanasaki Miyabi at Kagami Kira noong Hunyo 8 at 9, si Kanade Izuru noong Hunyo 22, sina Yakushiji Suzaku at Arurandeisu noong Setyembre 7 at 8, at si Rikka noong Oktubre 20. Kinamamayaan, inanunsyo ng Cover ang ika-2 henerasyon ng Holostars noong Disyembre 4. Nag-debut si Astel Leda noong Disyembre 7, Kishido Temma noong Disyembre 14, at si Yukoku Roberu noong Disyembre 24.

Noong Hunyo 13 hanggang 23, naganap ang mga audisyon para sa ika-3 henerasyon ng Hololive na pinangalanang "Hololive Fantasy". Nag-debut sina Usada Pekora at Uruha Rushia noong Hulyo 17 at 18, samantala si Shiranui Flare, Shirogane Noel, at Houshou Marine na nag-audition sa kanilang parte noong Hunyo nag-debut noong Agosto 7, 8, at 11, ayon sa pagkakabanggit.

Nag-debut ang ika-1 henerasyon ng Hololive China CN sa Bilibili, isang sangay ng VTuber na nagsasalita ng wikang Tsino. Nagsimula ito kay Yogiri.

Pinagsama ng Cover ang ahensiyang Hololive, INNK Music, at Holostars sa ilalim ng bagong tatak na Hololive Production noong Disyembre 2; hiwalay parin ang pagtakbo sa tatlong ahensya sa ilalim ng kani-kanilang mga pamamahalang pangkat management teams. Sa parehong araw, naglipat si Suisei sa Hololive galing sa INNK Music at si AZKi ang nag-iisang miyembro sa tatak musikang na iyon. Noong Disyembren 25, isinimula ang ika-4 na henerasyon ng Hololive. Mga kasapi dito ay sina Amane Kanata, Kiryu Coco, Tsunomaki Watame, Tokoyami Towa, at Himemori Luna. Nag-debut si Kanata noong Disyembre 27, Coco noong Disyembre 28, at si Watame noong Disyembre 29. Nag-debut sina Towa at Luna noong ika-3 at ika-4 ng Enero 2020, ayon sa pagkakabanggit.



                                     

1.3. Kasaysayan 2020–kasalukuyan: Paglawak

Nagkaroon ng live na konsyerto ng Cover na pinangalanang "hololive 1st fes. Nonstop Story" na ginanap sa Toyosu Pit sa Kōtō, Tokyo. Nakasali dito ang lahat ng mga kasalukuyang 22 miyembro sa oras na iyon, pati si AZKi. Inanunsyo ito noong Nobyembre 4, 2019. Iniulat ng PANORA noong Disyembre 17, 2019, isang ahensyang balita nakabase sa Tokyo, na naubos lahat ang mga tiket sa konsyertong nito at mag-host ang Cover ng live stream pay-per-view nito sa Niconico. Iniulat rin ni PANORA noong recap nito sa Enero 24, 2020 na ang nabangit na konsyerto ay mayroong pinakamalaking cast sa lahat ng kaganapan sa petsang iyon sa industriya ng VTuber.

Inihayag ang ika-2 henerasyon ng Hololive China noong Marso 6. Nag-debut ang mga kasapi nito sa katapusan ng buwan sina Doris, Artia at Rosalyn.

Inihayag ni Cover ang bagong sangay nito, Hololive Indonesia ID at ang ika-1 henerasyon nito, noong Abril 6, pagkatapos ng panahon ng pakikipag-audisyon sa mga talentong nagsasalita ng wikang Indones noong Disyembre 27, 2019. Mga kasapi nito ay sina Ayunda Risu, Moona Hoshinova, at Airani Iofifteen, na nag-debut mula noong Abril 10 hanggang 12, ayon sa pagkakabanggit. Nagkaroon ng mga audisyon noong Hulyo 3 hanggang 19 para sa ika-2 henerasyon ng talentong Indonesiyo.

Sinimulan noong Abril 27 ang ika-3 henerasyon ng Holostars na tinawagang "TriNero". Mga kasapi nito ay sina Tsukishita Kaoru, Kageyama Shien, at Aragami Oga, na nag-debut noong Abril 29, 30, at Mayo 1, ayon sa pagkakabanggit.

Noong Agosto 6, inanunsyo ng Hololive sa pag-debut ng ika-5 henerasyon. Mga kasapi nito ay sina Yukihana Lamy, Momosuzu Nene, Shishiro Botan, Mano Aloe, at Omaru Polka, na nag-debut mula noong Agoso 12 hanggang 16, ayon sa pagkakabanggit. Nagbuaks ang mga audisyon sa mga VTuber na nagsasalita ng wikang Ingles noong Abril 23. Noong Setyembre 9, inihayag ang pag-debut sa ika-1 henerasyon ng Hololive English EN, isang sangay ng VTuber na nagsasalita ng wikang Ingles. Pinangalanang "hololive English -myth-", mga kasapi ng henerayson nito ay sina Mori Calliope, Takanashi Kiara, Ninomae Inanis, Gawr Gura, at Watson Amelia, na nag-debut noong Setyembre 12-13.

Si Gawr Gura ay naging kauna-unahang talentong Hololive na nakaaabot ng isang milyong naka-subscribe sa kanya noong Oktubre 22. Sa susunod na araw, inanunsyo ng Cover ang follow-up sa Nonstop Story na tumatagal ng dalawang araw, "hololive 2nd fes. Beyond the Stage", at ang kolaborasyon ng isang kumpanya ng libangan na si Bushiroad. Nakaiskedyul ito noong Disyembre 21-22 bilang isang pay-per-view na livestream.

Magmula noong Agosto 2020, tinatayang kinita ng 85 milyong yen $810.000 USD si Coco sa Super Chat ng YouTube; siya may pinakamataas na kinita ng walang katulad sa Super Chat, ayon sa pook-sapot na nangongolekta ng datos na si Playboard. Kasali sa nangungunang na may pinakamataas na kinita sa Super Chat ay sina Rushia, Aqua, Pekora, at Marine. Pagsapit ng Setyembre 2020, umabot na ng mahigit 10 milyon ang kabuuang nag-subscribe sa tsanel ng mga talento ng Hololive ay mayroong higit pa sa 10 milyong mga tagapagsubskribi sa YouTube, pati na rin ang mga 10 milyong followers sa Bilibili.

On 12 November 2020, opisyal na inaunsyo ni Cover ang pagretiro ng Hololive China sa kanilang pook-sapot at sa kanilang subreddit.

                                     

1.4. Kasaysayan Insidente ng paglabas ng bidyo ni Mano Aloe

Ilang sandali lamang pagkatapos sa debut ni Aloe noong Agosto 15, 2020, natuklasan at isinapubliko ng isang hindi kilalang indibidwal ang nakarekord na stream na nai-host ni Aloe sa TwitCasting, isang platapormang pangpakikipagstream mga buwan bago. Ipinakita doon ang pagsasaayos ng kanyang Live2D na modelo, at kasali sa leak na iyon ang kangyang personal na impormasyon at pagkakakilanlan ng kakilala na lalaki. Noong Agosto 17, ipinaliwanag ni Aloe sa isang bidyo na dating naaprubahan ng kanyang tagapamahala yung na-leak na bidyo at napabayaan niyang tanggalin ito. Nagkaroon ng pansamantalang susupensyon sa lahat ng aktibidad bunga sa pangyayari na iyon, at sinabi niya sa mga tagahanga na huwag kontakin ang kanyang kakilala at itigil ang pagtawag sa kanyang telepono sa bahay. Sa parehong araw, humihingi ng tawad sa insidenteng nangyari si Cover sa isang pahayag sa Twitter, at binigyan ng dalawang linggong suspensyon si Aloe.

Sa halip ng kanyang itinakdang pagbalik noong Agosto 31, inanunsyo ni Cover na umalis si Aloe sa Hololive dahil sa stress sa isip at sa pisikal. Naglabas ng pahayag si Cover na magsasagawa ng ligal na aksyon sa mga nanggugulo at gumawa ng sistema na mai-ulat ang mga ganitong insidente, para maiprotektahan sa mga hinaharap na panliligalig sa mga talento. Ang pahayag na ito ay ipinalabas pagkatapos itinatag ni Ichikara, isang kompanyang namamahala sa ahensiyang VTuber Nijisanji, ang kanilang koponan sa pagtutol sa panliligalig harassment countermeasure team.

                                     

1.5. Kasaysayan Kontrobersiya tungkol sa Taiwan at suspensyon

Sa bandang huli ng Setyembre 2020, binanggit ang bansang Taiwan sa stream ni Coco at Haato habang tumatalakay sa kanilang analitikang tsanel pang-YouTube channel analytics, na nakahiwalay ang istatistika ng lugar na ito mula sa Kalupaan ng Tsina sa listahang ito. Galit na galit ang mga Tsinong manonood sa pangyayari na iyon at sinundan ito ng pahayag ni Cover na nailathala sa wikang Ingles, Hapon, at Tsino noong Setyembre 27. Sa pahayag na ito, humingi ng tawad ang kompanya sa "hindi nababagay na mga sinabi" na ginawa ng dalawa, at kasalanan nila ang "pakikipagsisiwalat ng mga kanilang kumpidensyal na datos ng analitikang tsanel pang-YouTube". Naisuspende sa lahat ng aktibidad ng tatlong linggo sina Coco at Haato. Sa isang pahayag naman na nailathala kanina sa wikang Tsino doon sa Bilibill, hindi sumasalamin ang patakaran nila sa Tsina ang mga puna ni Coco o Haato, at pinagtibay muli ang kanilang suporta sa patakarang Iisang-Tsina at ang kanilang panata sa pagnenegosyo sa Tsina. Naglabas si Cover ng isa namang pahayag na tinugunan ang pagkakasalungatan sa mga mensahe nito, sinabing na ang pahayag ng Bilibili ay dahil sa "pagnanais na nai-akma sa mga pangangailangan ng mga madla". Humingi rin ng tawad si Cover sa kaguluhan na ito, at naganunsyo ng mga pagbabago sa kanilang pamamaraan sa pakikipaglabas ng mga rehiyunal na pahayag at ang pagbuo ng komite para maiwasan ang mga ganitong insidente Kahit bumalik sina Coco at Haato noong Oktubre 19, hindi parin humina ang galit ng komunidad ng Tsino, at karamihan ng mga kanilang opisyal na pangkat ng pagsasalin ay naganunsyong magbuwag sa Bilibili at itinanggal ang lahat ng mga uploads sa kanilang tsanel kasunod sa kanilang pagbabalik. Noong Nobyembre 12, inihayag ni Cover na magtatapos sina Yogiri, Civia, Doris, Artia at Rosalyn - 5 sa 6 na kasapi ng CN, sa ibat ibang mga petsa sa loob ng 2020.



                                     

2.1. Midya 2019

  • Shanghai Oktubre 4–6 – Nakiri Ayame, Shirakami Fubuki, Minato Aqua, Ookami Mio, at Natsuiro Matsuri
  • Guangzhou Agosto 14–16 – Minato Aqua
  • Chengdu Disyembre 21–22 – Natsuiro Matsuri
  • Bilibili World 2019
  • V-RIZIN 2019 Disyembre 29 – Murasaki Shion, Tokino Sora, Natsuiro Matsuri, Akai Haato, Shirakami Fubuki, at Nekomata Okayu; ginanap sa Saitama Super Arena
  • VtuberLand2019 Oktubre 4–10 – lahat ng kasalukuyang miyembro ng Hololive sa oras na iyon; ginanap sa Yomiuriland
                                     

2.2. Midya 2020

  • Shanghai Agosto 7–9 – Hoshimachi Suisei, Shirakami Fubuki, Akai Haato, at Civia
  • "VILLS" Virtual Unit Festival Marso 21; kinansela – Hoshimachi Suisei at Sakura Miko; kinansela ng walang katiyakan on sa Pebrero 27 dahil sa pandemikong COVID-19 sa Hapon
  • Hololive 1st fes. Nonstop Story Enero 24 – lahat ng mga miyembro sa Hololive bago ang Gen 4, kasali rito si AZKi; ginanap sa Toyosu Pit sa Kōtō, Tokyo
  • Bilibili World 2020
  • Minato Aqua Anniversary Live 2020 "Aqua Color Super☆Dream♪" Agosto 21 – Minato Aqua; pay-per-view na live stream sa Niconico
  • Niconico Net Chokaigai 2020 Abril 18–19 – ika-1 henerasyong Hololive noong ikaunang araw, at sina Tokino Sora, Minato Aqua at Shirakami Fubuki noong ikalawang araw; kaganapang birtwal
  • Bilibili Spring V Festival Marso 22 – Shirakami Fubuki at Natsuiro Matsuri; kaganapang birtwal na-live stream sa Bilibili at Niconico
  • Hololive 2nd fes. Beyond the Stage Disyembre 21–22 – AZKi at ang lahat ng mga miyembro ng Hololive Japan bago ang ika-5 henerasyon; pay-per-view na live stream sa Niconico, ini-sponsoran ni Bushiroad
  • AFA STATION Festival Online Setyembre 6 – Kiryu Coco; kaganapang birtwal
                                     

2.3. Midya Kolaborasyon sa mga laro

  • Neptunia Virtual Stars/VVVtunia – nagpakita bilang mga panauhing karakter.
  • World of Warships – nagpakita bilang mga binabayarang pakete ng mga karakter.
  • Azur Lane – nagpakita sa isang kolaborasyon.
  • Dawn of the Breakers – nagpakita sa isang kolaborasyon.

Users also searched:

hololive production, mga pangyayari ayon sa panahon. hololive production,

...

Encyclopedic dictionary

Translation
Free and no ads
no need to download or install

Pino - logical board game which is based on tactics and strategy. In general this is a remix of chess, checkers and corners. The game develops imagination, concentration, teaches how to solve tasks, plan their own actions and of course to think logically. It does not matter how much pieces you have, the main thing is how they are placement!

online intellectual game →