Back

ⓘ Mga guho ng Simbahan ng San Pablo. Ang mga guho ng Simbahan ng San Pablo ay mga guho ng ika-17 siglong Katolikong relihiyosong complex sa Santo António, Macau, ..



Mga guho ng Simbahan ng San Pablo
                                     

ⓘ Mga guho ng Simbahan ng San Pablo

Ang mga guho ng Simbahan ng San Pablo ay mga guho ng ika-17 siglong Katolikong relihiyosong complex sa Santo António, Macau, Tsina. Kabilang dito ang orihinal na Kolehiyo ng San Pablo at ang Simbahan ng San Pablo, na kilala rin bilang "Mater Dei", isang ika-17 siglong Portuges na simbahang alay kay San Pablo Apostol. Ngayon, ang mga guho ay isa sa mga pinakatanyag na bantayog ng Macau at isa sa Pitong Kamangha-mangha sa Mundong Portuges. Noong 2005, pormal na itong itinala bilang bahagi ng Makasaysayang Sentro ng Macau, isang Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO.

                                     

1. Kasaysayan

Itinayo noong 1602 hanggang 1640 ng mga Heswita, ang simbahan ay isa sa pinakamalaking simbahang Katoliko sa Asya noong panahong iyon. Sa pagbaba ng halaga ng Macau, na noon ay pangunahing daungan para sa Delta ng Ilog Perlas ng Hong Kong, ang halaga ng gusali ay nabawasan, at nawasak ito ng sunog sa panahon ng bagyo noong Enero 26, 1835. Tinunghayan ni Fortaleza do Monte ang pagkasira. Ito ay maaaring sanhi ng pagpapakita ni Francesco Melzi ng codex kay Carlo Spinola sa Milano o ng arkitektong si Giacomo della Porta na nagdisenyo ng patsada ng Simbahan ng Gesù sa Roma.

                                     

2. Mga katangian

Ang mga guho ay binubuo ngayon ng batong patsadang nakaharap sa timog - maselang inukit sa pagitan ng 1620 at 1627 ng mga Kristiyanong Hapon na pagpapatapon mula sa kanilang bayan at mga lokal na manggagawa sa ilalim ng direksiyon ng Italyanong Heswitang si Carlo Spinola - at ang mga cripta ng mga Heswitang nagtatag at nagpapanatili ng simbahan. Ang patsada ay matatagpuan sa isang maliit na burol, na may 68 mga hagdan na bato na patungo rito. Kasama sa mga larawang inukit ang mga larawang Heswita na may mga temang oriental, tulad ng Mahal na Birheng Maria na umaapak sa isang pitong-ulo na hydra, na inilarawan sa mga Tsinong karakter bilang Niyuyurakan ng Banal Ina ang ulo ng dragon. Ang ilan sa iba pang mga larawang inukit ay mula sa nagtatag ng Ordeng Heswita, ang pagtatagumpay ni Hesus laban sa kamatayan, at sa tuktok, isang kalapati na nakaunat ang mga pakpak.

                                     

3. Pagpapanatili

Buhat ng mga panawagan na huwag gibain ang delikadong patsadang nakahilig, mula 1990 hanggang 1995, ang mga lugar ng guhi ay hinukay sa ilalim ng pangangalaga ng Instituto Cultural de Macau upang pag-aralan ang makasaysayang nakaraan nito. Natuklasan ang cripta ang mga planong arkitektural ng gusali. Maraming relihiyosong artepakto ang natagpuan kasama ang mga relikya ng mga Kristiyanong Tsinong martir at ang monastikong klero, kasama ang nagtatag ng kolehiyong Heswita sa Macau, si Padre Alessandro Valignano.

Ang mga guho ay napanumbalik ng gobyerno ng Macao bilang isang museyo, at ang patsada ay binibigyan ng diniinan sa likuran ng kongkreto at asero sa paraang napapanatili ang estetikong integridad ng patsada. Isang bakal na hagdanan ang nagpapahintulot sa mga turista na umakyat sa taas ng patsada mula sa likuran.

                                     
  • Brgy. San Crispin, San Pablo mga guho San Pablo - San Pablo McCord - Brgy. San Miguel, San Pablo wala na Santa Ana - Brgy. Santa Ana, San Pablo wala
  • ibabaw ng isang punso o tambak na nakikilala bilang ang Kerti Hüyük. Mayroong mga simbahan ditong itinayo upang alalahanin ang pagdalaw ni San Pablo Mga Gawa
  • Sa mga panahong ito, ang Simbahan ng San Fernando de Dilao ang itinalagang pansamantalang opisyal na simbahan Pro - Cathedral ng Arkdiyosesis ng Maynila
  • listahan ng mga katedral sa Italya, kasama na rin ang Lungsod ng Vaticano at San Marino. Ito ay inilaan upang maging isang kumpletong listahan ng mga umiiral
                                     
  • Sendong Rappler. Enero 4, 2012 TIMELINE: Looking back at 2012 s Typhoon Pablo Bopha Rappler. Disyembre 4, 2013. Storm signal no. 4 in PH history

Users also searched:

mga guho ng simbahan ng san pablo, panahon ng bato. mga guho ng simbahan ng san pablo,

...

Encyclopedic dictionary

Translation
Free and no ads
no need to download or install

Pino - logical board game which is based on tactics and strategy. In general this is a remix of chess, checkers and corners. The game develops imagination, concentration, teaches how to solve tasks, plan their own actions and of course to think logically. It does not matter how much pieces you have, the main thing is how they are placement!

online intellectual game →