Back

ⓘ Katedral ng San Jose, Hanoi. Ang Katedral ng San Jose ay isang simbahan sa Kalye Nha Chung sa Distrito ng Hoàn Kiếm ng Hanoi, Vietnam. Ito ay isang huling ika-1 ..



Katedral ng San Jose, Hanoi
                                     

ⓘ Katedral ng San Jose, Hanoi

Ang Katedral ng San Jose ay isang simbahan sa Kalye Nha Chung sa Distrito ng Hoàn Kiếm ng Hanoi, Vietnam. Ito ay isang huling ika-19 na siglong estilong Neogotikong simbahan na nagsisilbing katedral ng Katoliko Romanong Arkidiyosesis ng Hanoi. Ang katedral ay ipinangalan kay Jose, ang patron ng Vietnam.

Nagsimula ang konstruksiyon noong 1886, na may estilong pang-arkitektura na inilarawan bilang kahawig ng Notre Dame de Paris. Ang simbahan ay isa sa unang estruktura na itinayo ng pamahalaang kolonyal ng Pransyia sa Indotsina nang buksan ito noong Disyembre 1886. Ito ang pinakamatandang simbahan sa Hanoi.

Ang katedral ay nagsasagawa ng misa maraming beses sa araw. Para sa misa ng Linggo ng ika-6 n.g., maraming tao ang dumadaloy sa mga lansangan. Ang mga himno sa pagdarasal ay naisasahimpapawid at ang mga Katoliko na hindi makapasok sa katedral ay nagtipon sa lansangan at makinig ng mga himno.

                                     

1. Heograpiya

Matatagpuan ang katedral sa kanluran ng Lawa Hoàn Kiếm, sa isang maliit na plaza sa loob ng Lumang Baryo. Sa malapit, may mga restawran at maliit na mga bloke ng apartamento. Nasa sentrong kinalalagyan sa dulo ng Kalye Nha Tho Simbahan at kanto ng Pho Nha Chung, ang katedral na din ang punong-tanggapan ng Arkidiyosesis ng Vietnam may kontrol sa 480 mga simbahan at kapilya, at 113 parokya, at nagsisilbi sa 400.000 katoliko. Ang pangunahing tarangkahan sa katedral ay binubuksan kapag may misa at sa natitirang oras ang pagpasok ay sa pamamagitan lamang ng isang pintuan sa gilid ng pader ng compund ng Diyosesis. Mula sa puntong ito patungo sa katedral ay isang lakad sa pintuan sa gilid at pagkatapos ay maaaring patunugin ang batingaw upang makapasok sa katedral.

                                     

2. Kasaysayan

Noong 1872, ang Pranses sa ilalim ni Jean Dupuis ay kumubkob sa Moog ng Hanoi, bago sakupin ni Francis Garnier ang natitirang lungsod. Isang dekada ang lumipas bago ganap na kontrolin ang Hanoi ng mga kolonyalista dahil sa insurhensiya ng mga rebelde. Ang pagtatayo ng katedral ay marahil nagsimula matapos nito at nakumpleto ito noong Disyembre 1886, isang taon bago maitatag ang pederasyon ng Indotsinang Pranses bilang bahagi ng imperyong kolonyal nito. Itinayo ito ng misyonerong Pranses at apostolikong vicario ng Kanlurang Tonkin na si Paul-François Puginier na kumuha ng pahintulot mula sa kolonyal na administrasyon ng Pransiya noon. Itinayo ito sa inabandonang lugar ng Pagoda Bao Thien. Ang lokasyon na ito ay bahagi ng isang "sentrong pampangangasiwa" ng Tonkin bago ang panahon ng kolonyal na Pranses. Upang mapadali ang pagtatayo ng simbahan, ang mga labi ng pagoda, tinanggal ang lahat sa pook. Ang pagoda ay itinayo noong panahong ang lungsod ay itinatag sa panahon ng Dinastiyang Lý noong ika-11 siglo at gumuho noong 1542, at hindi na maayos. Ang katedral ay ikinonsagrado noong Disyembre 24, 1886.

Matapos makontrol ng Vietnam Minh ang Hilagang Vietnam kasunod ng Kasunduang Geneva noong 1954, ang Simbahang Katolika ay dumanas ng mga dekada ng pag-uusig. Ang mga pari ang inaresto, at ang mga ari-arian ng simbahan ay seized at isinabansa. Ang Katedral ng San Jose ay hindi nakaligtas at isinara ito hanggang sa Bisperas ng Pasko ng 1990, nang pinayagan ang misa na ipagdiwang muli roon. Noong 2008, ang mga protesta na nauugnay sa mga simbolong pangrelihiyon ay nangyari sa lote sa tabi ng katedral.

                                     
  • Chartes Lungsod ng Ho Chi Minh Simbahang Katolika sa Vietnam Katoliko Romanong Arkidiyosesis ng Lungsod Ho Chi Minh Katedral ng San Jose Hanoi kapatid nitong
  • San Sebastian, ang natatanging simbahan na may estilong gotika sa Asya. Katedral ng Maynila Ang Simbahan ng San Sebastian sa Quiapo Simbahan ng San Agustin

Users also searched:

katedral ng san jose, hanoi, pag-uusig. katedral ng san jose, hanoi,

...

Encyclopedic dictionary

Translation
Free and no ads
no need to download or install

Pino - logical board game which is based on tactics and strategy. In general this is a remix of chess, checkers and corners. The game develops imagination, concentration, teaches how to solve tasks, plan their own actions and of course to think logically. It does not matter how much pieces you have, the main thing is how they are placement!

online intellectual game →