Back

ⓘ Ang Kahong Malakita o Malakitang Kabaong ay isang aklat ng kuwentong bibit at kuwentong-bayan ng rehiyong Ural ng Rusya na pinagsama ni Pavel Bazhov at inilatha ..



Ang Kahong Malakita
                                     

ⓘ Ang Kahong Malakita

Ang Kahong Malakita o Malakitang Kabaong ay isang aklat ng kuwentong bibit at kuwentong-bayan ng rehiyong Ural ng Rusya na pinagsama ni Pavel Bazhov at inilathala mula 1936 hanggang 1945. Nakasulat ito sa kontemporaneong wika at naghahalo ng mga elemento ng araw-araw na buhay sa mga kamangha-manghang tauhan. Ginawaran ito ng gantimpalang Stalin noong 1942. Nakabatay ang mga kuwento ni Bazhov sa tradisyong pasalita ng mga minero at manggagalugad ng ginto.

Inilathala ang unang edisyon Ang Kahong Malakita noong ika-28 ng Enero, 1939. Binuo ito ng 14 kuwento at isang pambungad, na naglaman ng kaunting impormasyon tungkol sa buhay, industriya, at kalinangan ng mga Urales at kung saan sinubukan ng may-akda na isama sa bawat edisyon ng koleksyon. Naglaman ang mga sumunod na bersyon ng higit sa 40 kuwento. Hindi pantay-pantay ang kasikatan ng mga kuwento sa kasalukuyan. Ang mga pinakasikat na kuwento ay isinulat mula 1936 hanggang 1939: "Ang Kerida ng Tansong Bundok" at ang karugtong nito, "Ang Malakitang Kabaong", "Ang Bulaklak na Bato" at ang karugtong nito "Ang Bihasang Manggagawa", "Kukong Pilak", "Mga Tainga ng Pusa", "Balon ni Sinyushka", at "Ang mga Suwelas-bota ng Manedyer". Kasama sa mga kuwento sa kalaunan, sikat ang "Isang Marupok na Siit" 1940, "Ang Engkanto ng Apoy" 1940, "Salamin ni Tayutka" 1941, "Ivanko Krylatko" 1943, at "Iyang Kisap ng Buhay" 1943. Naging kilalang-kilala ang mga tauhan ng mga kuwentong-bayan ng Bulubundukin ng Ural tulad ng Kerida ng Tansong Bundok pagkatapos ng paglabas nila sa Ang Kahong Malakita ni Pavel Bazhov.

                                     

1. Sanligan

Noong dekada 1930, lubhang hinikayat ng Partidong Komunista ng Unyong Sobyet ang interes sa nakaraan ng bansa at ng mga tao. Nagbigay-pansin ang Partido sa paglilinang ng makasaysayang agham. Pinasimulan ni Maxim Gorky ang paglalathala ng mga aklat tulad Ang Kasaysayan ng mga Pabrikante at Halaman Ruso: История фабрик и заводов, tr. Istorija fabrik i zavodov. Sinuportahan ang pagkukusa nila ng Partidong Komunista. Sunud-sunod na inilathala ang mga aklat ng kasaysayan at iilang pamagat ng makasaysayang kathang-isip. Ang panlahat na interes sa kasaysayan ng bansa ay naging interes sa katutubong sining and kuwentong-bayan. Sa kalaunan, nagsulat si Nikolay Andreyev, isang sikat na dalubhasa sa kuwentong-bayan, tungkol sa panahong iyon kung kailan "hindi pa ganoong karami ang nailalathalang kahit na sa Ginintuang Panahon ng polkloristika sa dekada 60". Nagsimulang mangolekta ang mga mamamahayag, mag-aaral, at miyembro ng Komsomol ng mga alamat. Sa Unang Kongreso ng mga Sobyet na Manunulat, ipinaalala ni Maxim Gorky na "nagsisimula ang kasining ng mga salita sa mga alamat" at naghikayat sa kanila na ikolekta at pag-aralan ito. Gagamitin sana ito bilang halimbawa ng modelo ng panitikan.

                                     

2. Talasanggunian

  • Batin, Mikhail 1983. "Istorija sozdanija skaza "Malahitovaja shkatulka " История создания сказа "Малахитовая шкатулка". Quaestio Rossica sa wikang Ruso. The University of Colorado Boulder. 2 2: 212–230. doi:10.15826/qr.2014.2.051. ISSN 2311-911X.
                                     
  • kwento na Ang Kahong Malakita Tinuturing Ang Batong Bulaklak bilang ang isa sa mga pinakamahusay na mga kuwento sa koleksyon. Sinalin ang istorya mula

Users also searched:

ang kahong malakita, panahon ng bato. ang kahong malakita,

...

Encyclopedic dictionary

Translation
Free and no ads
no need to download or install

Pino - logical board game which is based on tactics and strategy. In general this is a remix of chess, checkers and corners. The game develops imagination, concentration, teaches how to solve tasks, plan their own actions and of course to think logically. It does not matter how much pieces you have, the main thing is how they are placement!

online intellectual game →