Back

ⓘ Catalina Labouré. Si Catalina Labouré, D.C., ay isang madreng Pranses na kasapi ng Mga Mongha ng Kawanggawa ni San Vicente de Paul at isa siyang bisyonaryo ni M ..



Catalina Labouré
                                     

ⓘ Catalina Labouré

Si Catalina Labouré, D.C., ay isang madreng Pranses na kasapi ng Mga Mongha ng Kawanggawa ni San Vicente de Paul at isa siyang bisyonaryo ni Maria. Pinaniniwalaang naihatid niya ang kahilingan mula kay Birheng Maria na maglikha ng bantog na Mapaghimalang Medalya ng Ina ng mga Biyaya na sinusuot ng mga angaw na katao sa buong daigdig. Si Labouré ay gumugol ng apatnapung taon na pangangalaga sa mga matatanda na at mahina. Para dito, tinawag siyang pintakasi ng mga nakatatanda.

                                     

1. Talambuhay

Isinilang si Labouré noong Ika-2 ng Mayo, 1806, sa rehiyong Borgonya ng Pransya kay Pierre Labouré, isang magsasaka, at Madeleine Louise Gontard, ika-9 sa 11 nabubuhay na anak. Ang kanyang pangalan sa binyag ay Zoe, batay kay Santa Zoe, kung saan natapat ang petsa ng kapistahan sa kanyang kaarawan, ngunit bihira gamitan ng kanyang pamilya ang pangalang iyon. Ang kanyang pangalang pambinyag ay Catalina. Namatay ang ina ni Labouré noong Oktubre 9, 1815 noong siya ay siyam na taong gulang. Sinasabing pagkatapos ng libing ng kanyang ina, kinuha ni Labouré ang isang imahen ni Birheng Maria at hinalikan ito, na sinasabi, "Ngayon ikaw na ang magiging ina ko." Inako ng kapatid na babae ng kanyang ama na alagaan siya at ang kanyang kapatid na si Marie Antoinette Tonine. Matapos siyang pumayag, lumipat ang magkapatid sa bahay ng kanilang tiyahin sa Saint-Rémy, isang nayon na 9 na kilometro 5.6 na milya mula sa kanilang tahanan.

Si Labouré ay nasiyasat na maging labis na madasalin at may likas na pagkaromantiko, nagbibigay sa mga pangitain at madaling maunawaan na pananaw. Bilang batang dalaga, naging kasapi siya sa orden ng pag-aalaga na itininatag ni Vicente de Paul, ng Mga Mongha ng Kawangggawa; pinili niya ang oredeng ito pagkatapos napanaginipan tungkol sa kanya.

                                     

2.1. Mga pangitain San Vincente de Paul

Noong Abril 1830, inilipat ang labi ni Vincente de Paul sa simbahang Vincenciano sa Paris. Kasama sa mga karingalan ang isang pagsisiyam. Sa tatlong sunud-sunod na gabi, sa kanyang pagbabalik mula sa simbahan patungong Rue du Bac, naranasan ni Catalina, sa kapilya ng kumbento, ng pangitaing natanggap niya na ang puso ni de Paul sa itaas ng isang dambana na naglalaman ng isang labi ng buto mula sa kanyang kanang braso. Sa bawat oras, lumilitaw ang puso ng mga ibat ibang kulay: puti, pula, at itim. Ipinaliwanag niya na ang mga pamayanang Vincenciano ay uunlad, at magkakaroon ng pagbabago ng pamahalaan. Pinayuhan siya ng pastor ng kumbento na kalimutan ang bagay na ito.

                                     

2.2. Mga pangitain Birheng Maria

Inihayag ni Labouré na noong Ika-19 ng Hulyo, 1830, sa bisperas ng kapistahan ni San Vicente de Paul, siyay gumising nang marinig ang tinig ng isang bata na tumatawag sa kanya sa kapilya, kung saan narinig niya ang pagsabi ni Birheng Maria sa kanya, "Nais ng Diyos na mag-utos sa iyo na may isang misyon. Ikaw ay tutulan, ngunit huwag kang matakot; magkakaroon ka ng biyaya upang gawin kung ano ang kinakailangan. Sabihin sa iyong tagapangasiwang ispiritwal ang lahat na nagyayari sa iyo. Ang mga panahon ay nababalutan ng kasamaan sa Pransya at sa buong daigdig." Patuloy na naglalakad si Labouré, iniisip kunga ano ang narinig niya.

Noong Ika-27 ng Nobyembre, 1830, iniulat ni Catalina na ang Mahal Ina ay bumalik sa panahon ng pagmumuni-muni sa gabi. Ipinakita niya ang kanyang sarili sa loob ng isang habilog na palibot, nakatayo sa isang daigdig. Nagsusuot siya ng maraming singsing na may mga hiyas na nagniningning na mga sinag ng ilaw sa buong daigdig. Sa paligid ng pataan ng palibot lumitaw ang mga salita Ô Marie, conçue sans péché, priez pour nous qui avons recours à vous. Habang pinapanood ni Catherine, tila umiikot ang palibot, na nagpapakita ng isang bilog na labindalawang bituin, isang malaking titik "M" na nananaig ng isang krus, at ang inilarawan sa istilong Kabanal-banalang Puso ni Hesus na kinoronahan na may tinik at Kalinis-linisang Puso ni Maria na tinusok ng tabak. Tinanong kung bakit ang ilan sa mga hiyas ay hindi nagliliwanag, tumugon umano si Maria, "Iyon ang mga biyaya na kung saan nakakalimutang hilingin ng mga tao. Narinig ni Sor Catalina ang Birheng Maria na hiniling sa kanya na kunin ang mga imaheng ito sa kanyang padreng kumpesor, pagsabihan sa kanya na dapat silang ilagay sa mga medalyon, at sabihin Lahat ng nagsusuot ay makakatanggap ng magagandang biyaya."

Ginawa ito ni Labouré, at pagkatapos ng dalawang taon na pagsisiyasat at pagmamasid sa kanyang normal na pag-uugali sa araw-araw, dinala ng pari ang impormasyon sa kanyang arsobispo nang hindi isiniwalat ang kanyang pagkakakilanlan. Ang kahilingan ay naaprubahan at ang disenyo ng mga medalyon ay kinomisyon sa pamamagitan ng Pranses na panday-ginto na si Adrien Vachette. Pinatunayan nila na labis itong tanyag. Ang dogma ng Kalinis-linisang Paglilihi ay hindi pa opisyal na naihayag, ngunit ang medalya, na may pamansag na "ipinaglihing walang kasalanan", may bisa sa tanyag na pagsang-ayon ng ideya.



                                     

3. Kamatayan at pamana

Ginugol ni Labouré ang susunod na apatnapung taon na pangangalaga sa mga matatanda at mahihina na. Para dito, tinawag siyang pintakasi ng mga nakatatanda. Siya ay pumanaw noong Ika-31 ng Disyembre, 1876, sa edad na pitumpu. Ang kanyang katawan ay nakapaloob sa salamin sa ilalim ng gilid ng altar sa Kapilya ng Birhen ng Mapaghimalang Medalya sa 140 Rue du Bac, Paris.

Ang kanyang dahilan para sa pagiging santo ay idineklara sa pagtuklas na ang kanyang katawan ay hindi naaagnas. Siya ay na biyatipika noong Ika-28 ng Mayo, 1933, ni Papa Pio XI at kanonisahan noong Ika-27 ng Hulyo, 1947, ni Papa Pio XII.

Ang petsa ng kapistahan ni Labouré ay ginugunita sa Ika-28 ng Nobyembre ayon sa kalendayong panliturhiya ng Konggregasyon ng Misyon, ang Mga Mongha ng Kawanggawa ni San Vicente de Paul at anng Katolikong Romanong Arkidiyosesis ng Paris. Siya ay nakatala sa Martyrologium Romanum para sa Ika-31 ng Disyembre.

                                     

4. Bibliograpiya

  • Si Santa Catalina Labouré at ang Mapaghimalang Medalya, Alma Power-Waters, Ignatius Press, San Francisco, 1962. ISBN 0-89870-765-X
  • Ang Buhay ni Catalina Labouré, ni René Laurentin, Collins, 1980. ISBN 0-00-599747-X
  • Santa Catalina Labouré ng Mapaghimalang Medalya, ni Joseph I Dirvin, CM, Mga Aklat at Tagapaglathalang TAN, Ingkorporado, 1958/84. ISBN 0-89555-242-6
                                     

5. Mga panlabas na kawing

  • "Kapilya ng Birhen ng Mapaghimalang Medalya, Rue du Bac, Paris".
  • Joseph I. Dirvin, CM. "Sta. Catalina Labouré ng Mapaghimalang Medalya". buong teksto ng opisyal na talambuhay
  • "Santa Catalina Labouré: mistika at mensahera ng Mapaghimalang Medalya". Di-makitang Monasteryo ng kawanggawa at kapatiran - Kristiyanong Panalanging pampamilya sa wikang Ingles. Tinago mula sa orihinal noong Pebrero 27, 2018.
                                     
  • medalya ng pamimintuho, ang disenyo ng kung saan ay nagmula kay Santa Catalina Labouré na sumusunod sa kanyang mga pagpapakita ni Birheng Maria sa Rue du

Users also searched:

catalina labouré, kasaysayan ng daigdig. catalina labouré,

...

Encyclopedic dictionary

Translation
Free and no ads
no need to download or install

Pino - logical board game which is based on tactics and strategy. In general this is a remix of chess, checkers and corners. The game develops imagination, concentration, teaches how to solve tasks, plan their own actions and of course to think logically. It does not matter how much pieces you have, the main thing is how they are placement!

online intellectual game →