Back

ⓘ Wikipediang Tagalog. Ang Wikipediang Tagalog ay ekslosibong edisyon ng Wikipedia sa wikang Tagalog sa Pilipinas, ay nagsimula noong Disyembre 2003. Ito may 57.9 ..



Wikipediang Tagalog
                                     

ⓘ Wikipediang Tagalog

Ang Wikipediang Tagalog ay ekslosibong edisyon ng Wikipedia sa wikang Tagalog sa Pilipinas, ay nagsimula noong Disyembre 2003. Ito may 57.936 artikulo, at ito ang ika-85 pinakamalaking Wikipedia ayon sa bilang ng artikulo pagsapit ng Marso 18, 2021.

                                     

1. Kasaysayan

Sinimulan ang Wikipediang Tagalog, Ang Malayang Ensiklopedya, noong Disyembre 2003 bilang unang Wikipedia isa sa mga wika ng Pilipinas.

Pagsapit ng Pebrero 3, 2011, ito may higit sa 50.000 artikulo. Bantayan, Cebu ang naging ika-10.000 artikulo noong Oktubre 20, 2007 habang Pasko sa Pilipinas ang naging ika-15.000 artikulo noong Disyembre 24, 2007. Nakumpleto sa Betawiki o Translatewiki.net ang pagsasapook o lokalisasyon ng pagsasalinwika ng mga mensaheng pansopwer ng Wikipediang Tagalog noong 6 Pebrero 2009.

Noong 2011, naging bahagi ang Wikipediang Tagalog ng WikiHistories fellowship, isang proyekto sa pananaliksik ng Pundasyong Wikimedia. Sinusubok ng proyekto ang paglahad ng mga tagumpay, kabiguan, at pang-araw-araw na pakikibaka ng mga patnugot na nagsusumikap na maging ganap ang pangarap na pandaigdigang pagbabahagi ng kaalaman.

                                     

1.1. Kasaysayan Estadistika

  • Agosto 5, 2008: Unang Aklat ng mga Macabeo - ika-18.000 artikulo
  • Mayo 28, 2017: Hu Geez - ika-70.000 artikulo
  • Hunyo 30, 2008: Silindro - ika-17.000 artikulo
  • Enero 15, 2011: Yu-Gi-Oh! Zexal - ika-50.000 artikulo
  • Nobyembre 9, 2010: Ekonometriks - ika-45.000 artikulo
  • Pebrero 4, 2013: Lalaking Vitruvio - ika-60.000 artikulo
  • Marso 11, 2008: Pandaka pygmaea - ika-16.000 artikulo
  • Oktubre 2, 2008: Heriyatriko - ika-19.000 artikulo
  • Nobyembre 1, 2008: Anak ng Tao - ika-20.000 artikulo
  • Oktubre 25, 2010: 1714 Sy - ika-40.000 artikulo
  • Marso 22, 2010: Sky Girls - ika-25.000 artikulo
  • Hulyo 20, 2010: Charlottenburg-Wilmersdorf - ika-30.000 artikulo
                                     

1.2. Kasaysayan Mga unang hakbang ng Wikipediang Tagalog

Ang unang naikargang artikulo ay Wikipedia maliban sa Unang Pahina, noong Marso 25, 2004. Noong maluwag pa ang pamantayan ng Wikipediang Tagalog, ang pinaka-unang Napiling Artikulo ay ang Livestrong wristband, ngunit napalitan ito ng artikulong Kimika ayon sa nabagong pamantayan. Ngunit napalitan din ang Kimika dahil sa isang proseso ng pagsusuri at pagbabalik-tanaw. Kung tutuusin, ang unang napiling artikulo na nanatili pagkatapos ng pagsusuri ay tungkol sa keso.

Gayundin, ang unang Napiling Larawan ay ang Image:Flutterbye.jpg para sa artikulong Paru-parong Viceroy, subalit napalitan ng Image:St Vitus stained glass.jpg na para sa artikulong Katedral ni San Vito.

Ang tatlong unang artikulong pang- Alam Ba Ninyo? ay ang Web browser, Wikang Bulgaro, at Pilipinas. Naaprubahang may kundisyon ang Tagalog Wikinews Wikibalita noong Disyembre 19, 2007. Nagkaroon ng seksiyong Sa Araw na Ito sa Unang Pahina noong 2 Abril 2008, ngunit pansamantalang itinago ito noong 3 Mayo 2008 dahil sa kakulangan ng taga-ambag sa bahaging ito.



                                     

2. Mga katangian

May ilang mga katangian ang Wikipediang Tagalog na nagpapaiba ito sa ibang mga edisyong pangwika ng Wikipedia. Ayon kay Michael Tan, isang antropologong Filipino at kolumnista sa Philippine Daily Inquirer, malakihang umaasa ang Wikipediang Tagalog sa UP Diksiyonaryong Filipino para sa saligang mga kahulugan. Bagamat nakatuon ito sa wikang Tagalog, mayroon itong mga pahina na nagbibigay ng gabay sa mga hindi gumagamit ng wikang Tagalog para sa mga bagay na may kinalaman sa proyekto.

                                     

2.1. Mga katangian Saklaw ng edisyon

Ang Wikipediang Tagalog may mahalagang saklaw ng mga paksang may kinalaman sa Pilipinas, gayon din sa mga paksang may kinalaman sa anime at manga. Noong 2010, naglabas ang GMA News and Public Affairs ng isang ulat na pumupuna sa kakulangan nito ng mga artikulong may kinalaman sa agham.

                                     

2.2. Mga katangian Pangalan ng proyekto

Sang-ayon sa ibang mga Wikipedista sa Tagalog at Ingles na mga Wikipedia, ang Wikipediang itoy kumakatawan sa wikang Filipino. Ayon naman sa Vibal Foundation, isang pundasyon na pinasimunuan ang WikiPilipinas, magkaiba raw ang tinayo nitong wiki na WikiFilipino sa Wikipediang Tagalog dahil gumagamit ang WikiFilipino ng Filipino at Tagalog naman ang Wikipediang Tagalog. Ang pagkakaiba o pagkakapareho ng Tagalog sa Wikipedia ang naging sanhi ng isang pagtatalo ng mga tagagamit sa pangalan ng proyekto. Nabanggit ang pagtatalong ito sa isang artikulo ng DILA Defenders of the Indigenous Languages of the Archipelago, isang samahan na ipinagtatanggol ang mga katutubong wika ng Pilipinas.

                                     

3. Kumpara sa ibang edisyong Wikipedia sa wikang nakabase sa Pilipinas

Mas kakaunti ang mga artikulo sa Wikipediang Tagalog kumpara sa Wikipediang Sebuwano, ang pinakamalaking edisyon ng Wikipedia sa wikang nakabase sa Pilipinas, na may higit sa 5.613.000 artikulo sa kasalukuyan, at ang Wikipediang Waray, na may higit sa 1.265.000 artikulo. Ang lalim ng Wikipediang Tagalog ay 74.1 kumpara sa 3.53 para sa Wikipediang Waray at 2.05 para sa Wikipediang Sebuwano, pagsapit ng Marso 18, 2021. Ayon sa aktibong tagagamit, ito may 174, kumpara sa 193 sa Wikipediang Sebuwano at 86 sa Wikipediang Waray.

                                     

4. Mga kawing panlabas

  • Wikibooks sa wikang Tagalog
  • Wiktionary sa wikang Tagalog
  • Tell us about Tagalog Wikipedia

Gabay panlakbay sa Filipino phrasebook mula sa Wikivoyage

  • Midyang kaugnay ng Tagalog language sa Wikimedia Commons
                                     
  • halos 1 buwan bago buksan ang Wikipediang Tagalog ito ay nakaabot ng 100, 000 mga artikulo noong 2015. Ang Wikipediang Heorhiyano ay may tatlong tagapangasiwa
  • binuksan noong Disyembre 19, 2003, 18 na araw pagkatapos binuksan ang Wikipediang Tagalog Ito ay napasa sa 1, 000 mga artikulo noong Disyembre 16, 2004 at
  • biunuksan noong Disyembre 10, 2003 siyam na araw pagkatapos buksan ang Wikipediang Tagalog ni Venna Nagarjuna. Ngayong Abril 5, 2021, ito ay may 71, 000 mga
  • Wikipediang Tagalog ang Wikipediang Sebwano ang may pinakamaraming bilang ng artikulo at nangingibabaw sa Pilipinas, Sa buong mundo ang Wikipediang Sebwano
  • binuksan noong Disyembre 2003 ilang araw pagkatapos buksan ang Wikipediang Tagalog Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia
  • binuksan noong Disyembre 6, 2003, limang araw pagkatapos binuksan ang Wikipediang Tagalog at noong Hunyo 12, 2015, ito ay nakaabot ng 200, 000 mga artikulo
  • ang Wikipediang Winaray 2.5 at mga sumunod Wikipediang Tagalog Filipino Wikipediang Ilokano Wikipediang Bicolano Wikipediang Kapampangan
  • 2011, nakatawag - pansin ang Wikipediang Waray - Waray dahil naglaman ito ng mahigit sa doble ng artikulo sa Wikipediang Tagalog na nakabatay sa pangunahing
  • Ito ay binuksan noong Disyembre 2003, halos kapareho ng bukas ng Wikipediang Tagalog ngayong Marso 9, 2021, ito ay may 12, 000 mga artikulo at may 31


                                     
  • itanong Magtanong Paanyaya Makipag - ugnayan Humiling Paksain Indeks Magtanong sa Pamayanan ng Wikipediang Tagalog For non - Tagalog speakers
  • hindi. Wikipediang Tagalog Filipino Wikipediang Sebuwano Cebuano Wikipediang Esperanto buong Mundo Wikipediang Arabe Arabian Wikipediang Koreano
  • ng wikipedia ang mga pansiriling artikulo na isasalin o isinalin sa Wikipediang Ingles English Ito ang talaan ng mga wikipedia na may 43, na bansa
  • Mga Wikibooks sa mga wika ng Pilipinas Tagalog Mga Wiktionary sa mga wika ng Pilipinas Tagalog Mga Wikipediang Filipino nasa katayuang Incubator Wikang
  •                Pamayanan ng Wikipediang Tagalog               

Users also searched:

wikipediang tagalog, mga pangyayari ayon sa panahon. wikipediang tagalog,

...

Encyclopedic dictionary

Translation
Free and no ads
no need to download or install

Pino - logical board game which is based on tactics and strategy. In general this is a remix of chess, checkers and corners. The game develops imagination, concentration, teaches how to solve tasks, plan their own actions and of course to think logically. It does not matter how much pieces you have, the main thing is how they are placement!

online intellectual game →