Back

ⓘ Batik. Ang batik ay isang kasiningang Indones ukol sa pagtitinang hadlang-pagkit na ikinakapit sa buong tela. Nagmula itong kasiningan sa Java, Indonesia. Nagag ..



Batik
                                     

ⓘ Batik

Ang batik ay isang kasiningang Indones ukol sa pagtitinang hadlang-pagkit na ikinakapit sa buong tela. Nagmula itong kasiningan sa Java, Indonesia. Nagagawa ang batik sa pagguguhit ng mga tuldok at linya ng panghadlang gamit ang isang kagamitang pabuga na tinatawag na tjanting, o sa paglilimbag ng panghadlang gamit ang isang selyong tanso na tinatawag na cap. Pinipigilan ng ikinapit na pagkit ang pagtitina at sa gayon ay pinapayagan ang artisano na piliin ang kukulayin sa pagbababad ng tela sa isang kulay, pagtatanggal ng pagkis gamit ang kumukulong tubig, at pag-uulit nito kung ninanais ang maraming kulay.

Matatagpuan ang tradisyon ng paggawa ng batik sa mga ibat ibang bansa; gayunman, masasabi na ang batik ng Indonesia ang pinakakilala. Ang batik Indones na gawa sa pulo ng Java may mahabang kasaysayan ng akulturasyon, na may mga magkakaibang disyeno na naimpluwensyahan ng mga ibat ibang kultura, at ito rin ang pinakamalinang ayon sa disenyo, kasiningan, at kalidad ng pagkakagawa. Noong Oktubre 2009, itinalaga ng UNESCO ang batik Indones bilang Obra Maestra ng Pasalita at Di-nasasalat na Pamana ng Sangkatauhan.

                                     

1. Etimolohiya

Wikang Habanes ang pinagmulan ng salitang batik. Maaari itong nagmula sa mga salitang amba magsulat at titik tuldok sa Habanes, o nanggaling sa mas diumano’y ugat sa wikang Proto-Austronesyo, *beCík magtatu. Nagpatotoo ito ng Kapuluang Indones noong panahong kolonyal ng Olanda sa mga ibat ibang anyo: mbatek, mbatik, batek at batik.

                                     

2. Kasaysayan

Isang sinaunang kasiningan ang pagtitinang hadlang-pagkit ng tela. Umiral na ito sa Ehipto sa ika-4 na dantaon BK, kung saan ginamit ito sa pagbabalot ng mga momya; binadbad ang lino sa pagkit, at kinuskos ng panulat. Sa Asya, isinagawa ang kasiningan sa Tsina noong Dinastiyang Tang 618–907 PK, at sa Hapon noong Panahon ng Nara 645–794 PK. Sa Aprika, orihinal na isinagawa ito ng mga tribong Yoruba sa Nigeria, mga tribong Soninke at Wolof sa Senegal. Gayunpaman, ginagamit nitong bersyong Aprikano ang gawgaw ng kamoteng-kahoy o masa ng bigas, o putik bilang panghadlang sa halip ng pagkit.

Pinakanalinang ang sining ng batik sa pulo ng Java sa Indonesia. Sa Java, agad na makukuha ang mga materyales para sa proseso – bulak at pagkit at mga halaman kung saan na pinagkukunan sa paggawa ng mga ibat ibang pangulay de-gulay. Nauuna pa ang batik Indones sa mga nakasulat na rekord: ikinakatuwiran ni G. P. Rouffaer na maaaring dinala ang kasiningan noong ika-6 o ika-7 dantaon mula sa India o Sri Lanka. Sa kabila nito, pinaniniwalaan ni J.L.A. Brandes, isang arkeologo Olandes, at F.A. Sutjipto, isang arkeologong Indones na katutubong tradisyon ang batik Indones, dahil ang mga ilang rehiyon sa Indonesia tulad ng Toraja, Flores, at Halmahera na hindi direktang naimpluwensiyahan ng Hinduismo, ay nagpatotoo rin sa tradisyon ng paggawa ng batik.

Batay sa mga nilalaman ng Manuskritong Sundanes, may kaalaman na ang mga Sundanes ukol sa Batik mula noong ika-12 dantaon. Nakatala sa Sanghyang Siksa Kandang Karesian, isang sinaunang manuskritong Sundanes na isinulat noong 1518 PK, na may batik ang mga Sundanes na kapareho at kumakatawan sa kulturang Sundanes sa pangakalahatan. Marami nga ang mga naitalang disenyo sa teksto, at batay sa mga sanggunian na iyon, nagsisimula nang hakbang-hakbang ang proseso ng paglikha ng Batik Sundanes.

Iniulat ni Rouffaer na kilala na ang huwarang gringsing pagsapit ng ika-12 dantaon sa Kediri, Silangang Java. Naghinuha siya na maililikha lamang ang pinong huwaran sa pamamagitan ng canting, isang pang-ukit na may maliit na imbakan ng mainit na pagkit, at iminungkahi na naimbento ang canting sa Java sa mga panahong iyon. Ang mga detalyeng inukit sa mga damit na isinuot ng mga rebulto sa Prajnaparamita ng Silangang Java mula noong mga ika-13 danton ay nagpapakita ng mga salitgutgot na bulaklaking disenyo sa loob ng mga pabilog na gilid, kahawig ng jlamprang at ceplok, dalawang tradisyonal disenyong pambatik sa Java sa kasalukuyan. Ipinapalagay na kumakatawan ang disenyo sa loto, isang sagradong bulaklak sa mga paniniwalang Hindu-Budista. Ipinapahiwatig ng ebidensya na umiral na ang mga saligutgot na huwarang pambatik sa tela na inilapat gamit ang canting noong ika-13 dantaon sa Java o mas maaga pa. Pagsapit ng huling sangkapat ng ika-13 dantaon, iniluwas ang telang batik mula sa Java patungo sa mga Kapuluang Karimata, Siam, kahit hanggang sa Mosul.

Sa Europa, inilarawan ang kasiningan sa unang pagkakataon sa History of Java Kasaysayan ng Java, inilathala sa Londres noong 1817 ni Stamford Raffles, na naging Britanikong gobernador sa Bengkulu, Sumatra. Noong 1873, ibinigay ni Van Rijckevorsel, isang komersyanteng Olandes, ang mga pirasong kinolekta niya noong isang biyahe sa Indonesia sa museong etnograpiko sa Rotterdam. Sa kasalukuyan, naroon sa Tropenmuseum ang pinakamalaking koleksyon ng batik Indones sa Olanda. Naging aktibo ang mga kolonistang Olandes at Tsino sa paglilinang ng batik, lalo na ang taga-baybaying batik, sa hulihan ng panahong kolonyal. Nagpasok din sila ng mga bagong huwaran pati paggamit ng cap blokeng selyo gawa sa tanso para sa maramihang paggawa ng batik. Itinanghal sa Exposition Universelle sa Paris noong 1900, napahanga ang publiko at manlilikha sa batik Indones.

Noong dekada 1920, ipinakilala ng mga batikero na naglipat patungo sa Malaya Malaysia ngayon ang paggamit ng pagkit at blokeng tanso sa silangang baybayin nito.

Sa Subsarahanong Aprika, ipinakilala ang batik Habanes noong ika-19 siglo ng mga Olandes at Ingles na mangangalakal. Inakma ng mga katutubong tao roon ang batik Habanes sa paggagawa ng mga malalaking disenyo na may mas makakapal na linya at mas mararaming kulay. Noong dekada 1970, ipinakilala ang batik sa Australia, kung saan nilinang ito ng mga aboriheng manlilikha tulad ni Erna Bella bilang kani-kanilang sariling kasiningan.

                                     
  • ng nasasakupan nito, nakikilala ito bilang batikang trutsa o trutsang batik - batik speckled trout o kaya buntot - parisukat Ingles: squaretail Isang
  • Mallard ay may luntiang ulo at kulay - abong katawan ang mga inahin ay batik - batik na kayumanggi at itim. Ang pangalawang uri ng domestikadong itik ay ang
  • makikilala sa pamamagitan ng pagkakaiba - iba ng kanilang mga batik Bawat subspecies ay may natatanging batik Ang lathalaing ito na tungkol sa Mamalya ay isang
  • kuwadrante o mga parisan, o maaaring maliwanag na kulay sa pamamagitan ng batik o ikat batik Maraming mga modernong sarong ay may naka - print na mga disenyo, na
  • mang - udyok ng kaaliwang pangpagtatalik. Maliban na lamang ang mga Hyenang may batik na ang sistemang yurohenital ay binago para makaihi, makapagtalik at makapagluwal
  • Mapanglaw ang kulay na kayumanggi ng mga balahibo ng mga ibong ito at batik - batik Mayroon silang matitigas na mga buntot na ginagamit nila bilang pangtukod
  • Katamtamang sukat, strong binti, mahabang tainga, maikling buntot at may batik - batik katawan pa o mas mababa na kilala. Mabuhay eksklusibo ang lahat ng uri
  • tumukoy sa dalawang magkasalungat na inumin: Caffè macchiato, kapeng may maliit na batik ng gatas Latte macchiato, gatas na may maliit na batig ng kape.
  • malalim na tinutukoy mula sa mga puting underparts, na kung saan ay batik - batik at minarkahan ng isang itim na banda. Ang lathalaing ito ay isang usbong
  • minantsahang kape ay isang Italyanong inuming gawa sa kape at maliit na batik o mantsa ng gatas. Ito ang buong kasalungat ng latte macchiato. Latte


                                     
  • minantsahang gatas ay isang Italyanong inuming gawa sa gatas at isang maliit na batik o mantsa ng kape. Naiiba ang latte macchiato sa caffè latte na nagtataglay
  • viceroy ay madaling pagkamalan na isang monarch kaya lang ang pagkakaiba nila na ang viceroy ay may maskaunting puting batik sa pakpak at wala itong lason.
  • itim nitong guhit sa puting gilid nito at mayroon ding maitim at bilog na batik sa likod ng hasang. Tumitimbang na may 1 hanggang 4 na mga libra ang mga
  • kultura at din Tsino. Kanoman palasyo, ay isa sa apat na kingdoms sa cirebon. Batik motifs karaniwang isdang Cirebon. Turner, Peter Nobyembre 1995 Java.
  • hanggang sa haba na may 10 mga pulgada. Kulay abuhin sila na may puting mga batik sa ibabaw ng mga pakpak at ng buntot. Mockingbirds, mimic - thrushes The
  • mahirap alisin kahit labhan, hugasan o punasan man. Tinatawag din itong batik at bahid. Halimbawa ng mga nagiging mantsa ang mga tinta, dugo, nginunguyang
  • ng ilang isdang hindi salmonid na katulad ng Cynoscion nebulosus, ang batik - batik na trutsang - dagat Ingles: spotted seatrout o speckled trout Ang trutsa
  • katawan nito ay mababalutan ng di pantay - pantay ng pinong buhok na may batik Sugpo - Panaeus monodon ang katawan nito ay umaabot ng labing - tatlong
  • balahibo nitong pang tagginaw ay mahaba at mabuhok at karaniwang may batik batik na kulay gray bagaman ito ay maaaring sumaklaw mula purong puti, pula
  • Atlantiko. Kakulay sila ng tansong dilaw, at may madirilim na mga tuldok o batik Isa ang isdang mangkokokak ng Atlantiko sa mga pangunahing pagkaing isda
  • haba at may makintab na itim na balahibo na may metallic sheen, na may batik na puti sa ilang beses ng taon. Ang mga binti ay kulay - rosas at ang bill
  • Ingles Cairina moschata Ang mga ito ay may balahibong puti, itim o batik - batik na puti at itim. Bukod sa pagiging mas malaki kaysa mga ibang itik, ang
                                     
  • Namatay siya sa Merseburg noong 1854 makaraang mahawa ng lagnat na may batik mula sa isang bangkay na kanyang hinihiwa at pinag - aaralan. Mayroon tatlong
  • minsang wala ang mga Amerikanong uri. Kaya t ang anumang mga mink na walang batik o mantsa ay tiyak na isang Amerikanong mink, ngunit ang isang indibiduwal
  • nagsimula na lumabas sa YouTube, bagaman ang huli ay maaaring maging batik - batik kapag users iwan comments sa mga video. English Pagkatapos ng daklot
  • umabot sa 3.0 to 3.4 meter 9.8 to 11.2 ft Kulay abo sila na mayroong mga batik sa likod na mamula - mula hanggang sa kayumanggi. Mas nais ng pating na tigre
  • jetbridge. Pusod ang Paliparang Pandaigdig ng Hang Nadim para sa Lion Air, Batik Air, Citilink, at Malindo Air. Ang BP Batam, na nagpapatakbo ng Paliparang
  • plaka bilang mga pluma ng latag. Ipinapalagay na ang mga tinatawag na batik - init tulad ng Hawaii, ay nanggagaling mula sa tumataas na diapir na may
  • Binatang Pilipino Ang Dakilang Pagyayakap - paso doble Ang Likha ni Pierrot Batik na Kabihasnan - tagalog operetta Ang Mestisa Ang Sarap mong Umibig duet
  • mas malaking bahagi ng hubad na pulang balat sa mukha sa itaas ng puting batik kaysa sa mas maliit na lahi, B. r. regulorum South African crowned crane

Users also searched:

batik, kasaysayan ng paggawa. batik,

...

Encyclopedic dictionary

Translation
Free and no ads
no need to download or install

Pino - logical board game which is based on tactics and strategy. In general this is a remix of chess, checkers and corners. The game develops imagination, concentration, teaches how to solve tasks, plan their own actions and of course to think logically. It does not matter how much pieces you have, the main thing is how they are placement!

online intellectual game →