Back

ⓘ Pambansang Paligsahan ng Musika ng mga Artistang Kabataan. Ang Pambansang Paligsahan ng Musika ng mga Artistang Kabataan o NAMCYA ay isang taunang pambansang pa ..



Pambansang Paligsahan ng Musika ng mga Artistang Kabataan
                                     

ⓘ Pambansang Paligsahan ng Musika ng mga Artistang Kabataan

Ang Pambansang Paligsahan ng Musika ng mga Artistang Kabataan o NAMCYA ay isang taunang pambansang paligsahan na nagbibigay ng kapanganakan sa mga pinakamahusay at pinakamainam na manunugtog sa bansa. Ito ay nilikha noong 1973 mula sa kabutihang-loob ni Pangulong Ferdinand Marcos sa pamamagitan ng Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1173, na ipinapahayag na ang panahon sa pagitan ng Nobyembre 26 at Disyembre 12 ng bawat taon bilang Pambansang Linggo para sa mga Artistang Kabataan. Ang NAMCYA ay nagtutuklas upang hikayatin ang mga artistang kabataan na manghinusay sa kathang-musika at pagtatanghal at upang mapangalagaan, mapaunlad at magbunsod ang musikang Pilipino bilang sining at bilang alalay ng pangkulturang kaunlaran. Ang proyekto ay nakatuon upang magtuklas ang mga artistang kabataan sa larangan ng pang-aawit na koral, piyano, kamarang pangmusika, pamilyang manunugtog, at mga kagamitang pangkatutubo.

Mula 1973, ang pangunahing institusyon na may nagtataguyod ng mga taunang kaganapan ay ang Sentrong Pangkultura ng Pilipinas CCP na ang pangulo ay umuupo bilang tagapangulo ng pambansang lupon na nangangasiwa ng mga paligsahan. Nakapagpunong-abala ang CCP ang mga paligsahan at pagdiriwang sa mga lugar ng pinagdausan nito.

                                     

1. Tuntunin ng paligsahan

Ang taunang paligsahan ay walang pagbabago pagdating sa mga patakaran at tuntunin. Ang mga mananaligsa ay dapat manalo sa distrito, lalawigan, pagkatapos mga paligsahang panrehiyon upang makapagpaligsahan sa pambansang antas.

Kinakailangan nila na magtanghal sa isang buwig ng mga likha:

  • klasikal na likha, at
  • kontemporaryong likha,

gayundin ang mga likha ng mga namumunong Pilipinong kompositor.

                                     

2. Mga katangi-tanging nagwagi sa NAMCYA

Maraming nagwagi sa NAMCYA ay nakapagbukadkad na maging nagniningning na artistang kabataan ng bansa. Bukod pa rito, mula sa mga batang may angking talino sa musika, marami sa kanila ay naipadala ng prestihiyong sabansaan sa bansa sa pamamagitan sa pangkaragdagan pagkapanalo sa mga paligsahang pandarayuhan, nagsusumigasig ng patingang pagsasanay at nagtatanghal ng mga konsyerto sa mga ibang bansa.

                                     

2.1. Mga katangi-tanging nagwagi sa NAMCYA Mga magkakapatid na Bolipata

  • Alfonso Bolipata
  • Jaime Bolipata piyanista
  • Ramon Bolipata tselista
                                     

2.2. Mga katangi-tanging nagwagi sa NAMCYA Mga mang-aawit

  • Luz Morete
  • Johanna Cabili
  • Wilardena Misenas soprano
  • Josephine Roces
  • Andion Fernandez soprano
  • Rachelle Gerodias soprano
  • Noel Velasco tenor
  • Jonathan Velasco
                                     

2.3. Mga katangi-tanging nagwagi sa NAMCYA Mga biyulinista

  • Orville Cerna
  • Hector Corpuz
  • Jose Corpus
  • Diomedes Saraza Jr.
  • Julian Quirit
  • Chino Guiterrez
  • Dionisia Fernandez
  • Joseph Esmilla
  • Hernan Constantino
                                     

2.4. Mga katangi-tanging nagwagi sa NAMCYA Mga kompositor

  • Virginia Laico-Villanueva
  • Arlene Chongson
  • Conrado del Rosario
  • Agripino Diestro
                                     

2.5. Mga katangi-tanging nagwagi sa NAMCYA Mga pangkat na koral

  • HIS Sounds
  • Mga Mang-aawit na Himig ng Lungsod Dabaw Himig Singers of Davao City
  • Mga Sugong Mang-aawit ng Pamantasan ng Pilipinas UP Singing Ambassadors
  • Mga Kerubin at Serapin ng Pamantasan ng Pilipinas UP Cherubim-Seraphim
  • Korong Pambata ng Ivatan Children’s Choir
  • Koro Tomasino ng Pamantasan ng Santo Tomas Coro Tomasino
  • Korong Pambata ng Loboc Children’s Choir
  • Samahang Galak ng Dalubhasaang Ateneo College Glee Club
                                     
  • Pilharmonika ng Pilipinas Orkestrang Tugtungan ng UST Mga Mang - aawit Madrigal ng Pilipinas Pambansang Paligsahan ng Musika ng mga Artistang Kabataan NAMCYA
  • siyam na milliong benta ng album. Kasama sa mga produkto ng serye ay ang mga DVD at By releases, isang pang kabataan na serye ng mga libro, isang aplikasyon
                                     
  • pagsusulit sa HSC. Sinanay siya sa klasikal na sayaw at musika sa loob ng limang taon sa kanyang mga kabataan Ang kanyang paboritong paksa ay zoology, kaya una

Users also searched:

pambansang paligsahan ng musika ng mga artistang kabataan,

...

Encyclopedic dictionary

Translation
Free and no ads
no need to download or install

Pino - logical board game which is based on tactics and strategy. In general this is a remix of chess, checkers and corners. The game develops imagination, concentration, teaches how to solve tasks, plan their own actions and of course to think logically. It does not matter how much pieces you have, the main thing is how they are placement!

online intellectual game →